Prologue

22 1 0
                                    

Gaano pa kalayo ang tatakbuhin ko? Saan ako magtatago? Pagod na pagod na ang mga paa ko. Hanggang kelan nila ko hahabulin?

Bakit ba nila ko ginaganito? Hindi sila humihinto ng paghabol, ng pagbato sakin. Ano bang ginawa ko'ng masama?

Lumiko ako sa isang madilim na eskinita, nakakatakot pero kailangan ko ng matataguan. Mabaho at ubod ng dami ng basura. Sa sulok nandun ang hinahanap ko, isang butas na mapagtataguan. Lumusot ako, naririnig ko na malapit na sila sakin. Gumapang ako ng gumapang hanggang sa hindi ko na marinig mga yabag nila. 

Naaninag ko rin ang liwanag, nakakasilaw. Konting kurap-kurap nakapag adjust din ang paningin ko. Sa hindi mapaliwanag na paraan hindi ko alam kung paano naging isang magandang garden ang kinatatayuan ko. Mula sa mabaho at madilim napunta ako sa paraiso. 

May narinig akong kumakanta, boses ng isang lalake. Napakalamig ng boses niya tila lahat ng pagod ko sa katawan ay nawawala. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng magandang tinig at ayun nga sa ilalim ng puno nakasandal ang isang lalaki. Matangkad, katamtaman ang pangangatawan, maputi at may mga mapupungay na mata. Nilapitan ko siya, baka kasi anghel na pala ang nakikita ko. Hahawakan ko na sana yung mukha niya kaso biglang yumugyog ang lupa. Lumilindol.

"Hoy! Ate Bree, gumising ka na daw sabi ni mama!"

Hindi pala lumilindol, nanaginip lang pala ako. Ang galing ng timing ng kapatid ko. Ang sarap manapak!

Lost Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon