Nakatingin ako sa mga mata nya bakit ganto? Bakit ang bilis? Hindi ko alam natatakot ako. Galing syang break up at ayokong maging Rebound lang. Ayoko
Umalis ako don ng hindi man lang nagpapaalam i know that is too rude. pero hindi ko alam ang gagawin kong action para sa kanya.
Maaga kaming umalis at tulog pa si Reese. Sinabi ko na lang na kailangan na namin umalis agad at iniwan iyon sa note sa tabi ng kama nya
"Bakit ba apurang apura kang umalis ha Zaylee?" Tanong sakin ni Ashliin dito sa Bangkang sinasakyan namin nakatingin lang ako sa pasikat na araw.
"wala gusto ko lang umuwi agad para makapagpahinga" sagot ko alam kong hindi magandang alibay yon sa kanya at kilala nya ko. hindi na lang ako ginambala pa ni Aishliin at umalis sa pwesto ko
Napatingin ako sa kamay ko nakasuot padin sakin ang bracelet na binigay ni Leighton
Isang buwan at nakapakibot ang bituin maganda ang disenyo nito maganda nga ang pagkakaukit dito na gawa sa silver.
Alas tres na ng hapon ng makarating kami dito sa Bulakan. pagbukas ko ng pinto ay ang paglagapak ng kamay sa pisngi ko.
Si papa
"Saan ka galing bata ka?!" hindi pa maproseso sa utak ko ang ginawa sakin ni papa
At namuo ang luha ko saking mata at parang naguunahan silang umalis
"Kahit kailan talaga Zaylee! Binibigyan mo ko ng Sakit sa ulo!" Sigaw nya sakin Hindi ako nakakibo alam kong mali ako dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya.
"Saan ka galing!!" sigaw pa nya at natakot ako baka biglang ma highblood sya ng dahil pa sakin
"Sa C-Cebu po" Sagot ko sa kanya na nakayuko padin ako
"Wow umalis ka ng ilang milya ang kayo dito sa bahay ng hindi namin alam?! Nasaan ang utak mo Zaylee!" Ang mga gantong eksena namin ni papa minsan ay sanay na ko.
"Alam mo namang yang anak mo nakapa tigas ng ulo." Napatingin naman ako sa Stepmother kong bumaba sa Hagdanan.
"Kahit kailan talaga Zaylee! Wala ka ng ginawang tama! Puro ka pagwawaldas ng oras at pera mo! Jusko kang bata ka! Ang utak mo ba ay nasa talampakan mo at hindi ka nagiisip?!" Hindi ako umiimik pa para saan pa alam kong mali ako.
"Perwisyo ka talaga!" at sabay alis ni papa sa Harapan ko.
Dirediretso na ang tulo ng luha ko
"Miss Zay.." inalalayan ako ni Manang dahil napatumba ako.
"Ineng Dalin mo ang mga bagahe ni Zay Sa Kwarto nya.." kahit kailan talaga. puro katulong na ang nakakasama ko sa bahay na to!
"Tumahan kana.."napayakap ako kay Manang ang tumatayong nanay ko dito
"Manang hindi ko na kaya.." Yun na lang ang nasabi ko.
Pumanik na ko sa Hagdan at nagtungo sa kwarto ko. At dun ko iniyak ang lahat ng nararamdaman kong sakit. Bakit ba!
Binagsak ko ang sarili ko sa kama at feeling ko kasabay ng pagbagsak ko sa kama ang pagkawasak sa puso ko
Hanggang kailan ba ko mag titiis sa sakit na to.
Araw ng Sabado, tinanghali na ko ng gising. pagtingin ko sa salamin ko ay mugtong mugto ang dalawa kong mata.
"Zay,kakain na" tawag sakin ni Manang sakin
"sige manang baba na ko."nag ayos muna ko ng sarili ko bago ako bumaba
Pero laking gulat ko pagbaba ko ay kasama ko sa hapag sila Yoshi,Aishliin at sila papa