Kabanata 3

6 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko tumalikod ako dito at humarap sa kabilang banda

Tulog pa ang mga kasama ko dito sa kwarto Si Reese At aishliin dahil dalawa na lang ang available room kaya pinag seperate na lang namin ang Girls at boys

Bumangon na ko sa pagkakahiga ko pero sobrang sakit ng ulo ko na animoy parang binibiyak

“Aray.” Napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ang Mga buhok ko para maibsan ang sakit pero mali hindi padin

“Aray!!” Hindi ko na kinaya at napasigaw na ko sa sakit.

Nagising naman agad si Aishliin At reese

“Fuck!”napamura si Aishliin sa sinaad nya

“yung gamot!” Hindi na alam ni Aishliin ang uunahin nya pero ako eto sobrang sakit talaga ng ulo ko

Bumukas ng pinto at niluwa neto sila Yoshi

Lumapit agad sakin si Yoshi at hinawakan ako

“okay kalma zay! take this” ininom ko na agad ang gamot pero hindi naman agad agad to tumatalab

Sobrang sakit ng ulo ko.

“ano pa bang pwedeng gawin??”rinig kong sinabi ni Maxton

“tatawag ako ng ambulansya” Prisinta naman ni Leighton

“Wag!!” Sigaw ni Aishliin

“Hayaan na muna natin si Zay kailangan nya lang ng pahinga” Sabi naman ni Yoshi

At unti unti ngang tumalab ang gamot sa katawan ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang sakit kanina hay jusko mamatay ako sa sakit

“Hang over lang yan”Sabi naman ni Aishliin

“pagpahingahin muna natin si Zay” at isa isa na silang lumabas kasabay neto ang pagbagsak ng mga talukap ko

Nagising na ko na hindi sumakit ang ulo ko. Wala na din sila Aishliin at Reese maayos ang kama nilang dalawa at nakaayos na ang gamit mukhang nasa labas sila. Naligo na muna ako at nag ayos

Lumabas ako sa Kwarto namin at tanghaling tapat na pala nagluluto si Reese ng barbeque samantalang nagkwekwentuhan naman ang mga lalaki

“Zay!”Tawag ni Reese sakin. lumapit ako sa kanya

“Si Aishliin bumili lang ng mga Iba pang pwedeng iihaw kasama si Yoshi”

“Tulungan na kita” kumuha ako ng mga maaring ituhog pa sa stick

“Okay ka na ba?” napatingin ako sa dumating si Leighton pala.

“ah oo okay na ko medyo napasobra ata ako kagabe” alibay ko sa kanya.

“Grabe mukha mo kanina sobrang putla mo tapos hindi na namin alam gagawin sayo sila Aishliin lang ang nakakaalam” Dada naman ni Maxton

“pasensya na kung pinagalala ko kayo” pinagpatuloy na lang namin ang pagiihaw ni Reese

Dahil naisipan din namin na mag swimming ay nagpalit na din kami ng panglangoy

Wearing  a off shoulder Matte black bikini. At pinatungan ko ito ng panapis

Hindi naman ako masyadong maglalangoy dahil na trauma na din ako sa nangyare kahapon napaka tanga ko diba hahaha.

Sobrang naging saya kasama sila Reese naglaro din kami ng chicken chicken sa tubig at kapares ko si Leighton

“Ano ba aishliin! Ipwersa mo! ang bigat bigat mong babae ka!”Reklamo ni Yoshi kay Aishliin

“Tse manahimik ka jan!”Bunganga naman ni Aishliin

Time In Time OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon