Chapter 8

101 5 0
                                    

McCoy's POV

Kasalukuyan kaming nagluluto ng adobong manok

Oo, marunong kaming magluto. Gusto kasi naming tatlo na maging sikat na chef kaya marami na kaming alam na lutuin.

Ako ang nagigisa ng sibuyas, si Lance ang naghihiwa ng patatas at si Diego naman ay nagpapakulo ng manok.

*Ding dong, ding dong*

"Andyan na ata sila." sabi ko at naglakad naman palabas ng kusina si Diego.

Pabibo na naman! -_-

Bumalik siya kasunod sila Elisse....na nakapajama at long sleeve?

"Oh, 'bat balot na balot naman ata kayo?' si Lance.

"Ahh, medyo malamig kasi." si Claire.

Baka iniisip nilang may gagawin kaming masama sa kanila? Asa!

"Talaga lang ah?" sabat ko.

"Oo kaya! At saka eto na yung pantulog namin. Para pagkatapos naming mag dinner, matutulog na agad kami. May pasok pa kasi kami bukas." si Elisse.

Masyadong defensive!

"Ahh, sige. Upo muna kayo, tatapusin muna namin yung niluluto namin." si Diego at inalalayan silang umupo sa dinning chair.

"Nagluluto kayo?" tanong ni Elisse at lumapit sakin at sinilip ang niluluto ko.

"Oo, bakit?" tanong ko.

"Buti pa kayo marunong magluto, kami kasi hindi eh." natatawang sabi niya.

Di siya marunong magluto?

"Eh pa'no kayo nabubuhay? I mean pa'no kayo kumakain?" tanong ko din.

'Di kami napansin ng iba dahil busy di sila sa pakukwentuhan.

"Marunong naman kaming magprito ng hotdog and egg. Pero hanggang prito lang talaga kami."

"Edi kawawa kayo niyan? 'Bat di kayo mag-aral?"

"Nakakatamad eh. Tsaka, pwede naman kaming magpadeliver."

Hinila niya yung upuan sa dinning table papunta sa tapat ko at umupo.

High chair yung gamit namin kaya magkatapat kami.

"Ang bango!" sabi niya at inaamoy-amoy pa yun.

"Gutom ka na?" tanong ko sa kanya.

I Always Got YouWhere stories live. Discover now