Chapter 6

106 4 0
                                    

~BAHAY

Natatanaw ko na ang sasakyan nila daddy.

Haggang sa makapag-park kami sa garahe at sabay-sabay na bumaba.

"Mom, Dad." bati ko kila mommy at nagmano.

Andoon din ang parents nila Sofia at Claire.

"Magpadeliver na lang tayo ng pagkain." sabi ni Tita Charee, mommy ni Claire.

"Oh sige, ako na ang tatawag." sabat ni Tito Samuel, daddy ni Sofia.

Nagkamustahan lang kami habang hinihintay yung foods.

At maya-maya pa ay dumating na yun at nagsimula na kaming kumain na may kasama pang kwentuhan.

"Balita ko may bago kayong kapitbahay?" tanong ni daddy.

"Uhm, opo. Nakita po namin kanina na naglilipat sila." sagot ni Claire.

"Basta, mag-iingat kayo ah. Lagi nyong i-lolock yung gate kapag aalis kayo at kahit nandito kayo. Ang alam ko kasi ay mga lalaki yung mga yun." si Tito Cedrick, daddy ni Claire.

"Opo." sagot naming tatlo.

Mahigit isang oras din kaming kumain dahil sa kwentuhan.

Bandang hapon na nang maisipan na nila mommy na umalis dahil may aasikasuhin pa daw sila.

"Mag-iingat kayo ah. Bye!" paalam nila at saka umalis.

Bumalik naman kami sa loob.

"Nag-grocery din pala sila mommy para sa atin." sabi ko at binuksan ang t.v. sa sala.

"Talaga? Nasaan?" tanong ni Claire.

"Nasa kitchen."

Pumunta naman siya sa kitchen.

"Ayuuun! Buti na lang may dog foods! Pakisabi sa kanila, thank you!" sigaw ni Claire.

Lumabas si Claire galing kitchen at may bitbit na chichirya.

"Ano, Claire? Hindi ka pa nabusog sa kinain mo?" tanong sa kanya ni Sofia.

"Hindi pa eh." sagot niya.

"Kababae mong tao napaka-takaw mo!"

"Atleast maganda!"

"Ang hangin, wohhh!" pagpaparinig ko sa kanya.

"Di niyo man lang ako suportahan." nakangusong sabi niya.

"Dami mong dama!" singhal ko sa kanya.

Nanood lang kami ng t.v. at lumipas ang oras.

•TIME CHECK: 4:05•

"Ang boring naman!" sigaw ko.

"Punta tayo sa playground." sabi ni Claire.

"Oo nga. Sama natin sila Belle." si Sofia.

"Tara!!!"

Nagpalit lang kami ng damit at lumabas na.

Nilakad lang namin ang papuntang park.

Park, yung madalas na pinupuntahan namin kapag boring kami. Para din siyang playground dahil may mga swings and slides din. Ito ang nag-iisang park sa subdivision namin.

Wala namang mga batang pumupunta dito kasi nga yung iba may sarili ng playground sa bahay nila.

Pinapakain lang namin yung mga aso namin habang nakaupo sa grass.

Bigla na lang tumahol yung mga aso namin at tumakbo sa bandang likod ng playground.

"Spicy!" sigaw ko.

"Belle!" sigaw ni Sofia.

"McMc!" sigaw ni Claire.

Tumakbo kami kung sa'n man sila pumunta.

"Sh*t."

"Nyeta!"

"Bwiset!"

Pamilyar ang mga boses na yun ah?

McCoy's POV

"Ang boring!!!" sigaw ni Lance.

"Alam ko may park dito eh." si Diego.

"Oh, anong gagawin mo dun?" tanong ko sa kanya.

"Para makapaglibot din dito? Di pa kasi natin kabisado 'tong subdivision na 'to eh."

"Oo nga noh! 'Bat di ko naisip yun?" si Lance.

"Wala ka naman kasing utak." sagot ko sa kanya.

"Ayy! Realtalk ba yan?" tanong nya.

"HAHAHAHA. Bakit dre? Di mo pa ba narerealize?" natatawang tanong ko at tumawa din naman si Diego.

"Ewan ko sa inyo, tara na nga!"
Bagong lipat lang kasi kami sa subdivision na 'to. Kaming tatlo lang ang nandoon. Trip lang namin ang tumira sa iisang bahay. Bakit ba? Walang basagan ng trip!

Sang-ayon naman ang mga magulang namin dahil daw malalaki na kami at kailangan din namin magpaka-independent.

Natatanaw ko na ang park...

*Arf arf arf arf*

O_O

"Sh*t!" singhal ko nang kagatin ako ng aso.

"Nyeta!" sigaw din Diego.

"Bwiset!" pati si Lance ay kinagat din.

"OMG! Sorr--" hindi nya na natapos ang sasabihin niya nang makita niya ako.

Si Elisse.

Nasa likod naman niya sila Sofia at Claire

I Always Got YouWhere stories live. Discover now