chapter 1: welcome to hell

17 1 0
                                    

Naglakad lang ako papuntang school para tipid sa pera, maaga akong umalis dahil malayo ang school sa bahay namin at para hindi nadin ako malate, after 20 mins ay nakadating nako.

"Welcome to hell alyanna" bulong ko sa sarili ko at pumasok sa gate ng school.

"Oww! Look whose here a very ugly nerd hahaha! Hindi ka nababagay dito eww" sabay batok sakin,malapit na tumulo ang luha ko sa mata , nakayuko akong Naglakad at di ko namalayan na nakabunggo ko ang hinahangaan Kong si Bryan deguzman

"Hey ugly jerk watch your steps" inis niyang sabi
"So-sorry Bryan , hindi ko naman sinasadya" pang hihingi ko ng tawad

"Ok fine buhusan muna kita ng tubig para fresh ka haha!" Binuhusan niya ako at agad akong naka ilag Kaya hindi ako masyadong nabasa.

Hindi ko napigilang umiyak ansakit ng ginawa niya sakin.

"Bryan grabe naman to" sigaw ko sakanya
"Anong karapatan mo para sigawan ako?" Maangas niyang tanong

"At ano din ang karapatan mong gantuhin ako?!" Sigaw ko sakanya at Nakita ko siyang galit na
"Dahil sikat ako" tipid niyang sagot
"Hindi porket panget ako at mahirap may karapatan ka ng gantuhin ako oo sikat ka! Pero hindi mo dapat gawin sakin to! Sarili Kong magulang hindi ako ginaganto!!! Pero ikaw anlakas ng loob mo gawin sakin to! Hindi mo to ikakaunlad" humahagulgol nako sa pag iyak at umalis na dun..

Tumakbo ako papuntang cr para ayusin sarili ko
Tumingin ako sa salamin at tinignan sarili ko

"Aly konting tiis nalang Kaya moto" sabi ko sa sarili ko at pumunta nakong room

Bakit si Bryan pa nagustuhan ko?

"Anlakas ng loob mo sigawan Bryan ko!" Sigaw ng babae at sinabunutan ako.
"Ano ba masakit" sabi ko
"Dapat lang yan sayo hayop ka!" Galit na sabi niya at may biglang humila sa kamay niya

"What are you doing Joseph?!" Inis niyang sabi
"Wag mo siyang saktan Mas hayop ka pa kesa sakanya" nanlaki mata ng babae sa sinabi niya

"How dare you!" Sabay walk out niya

"Tara upo tayo dun tayo sa likod" aya niya at sumunod nalang ako

Tinanggal ko yung salamin ko at pinunasan

"Alam mo mas lalo kang gumanda nung inalis mo salamin mo" naka ngiti niyang sabi pero naiilang ako.

"Amm kung ibubully mo lang din ako pls wag mo nako kausapin" biglang tumulo luha ko at inabot niya yung panyo niya sakin

"Don't worry wala akong balak ibully ka" sabi niya habang nakangiti
"Ano ba kailangan mo sakin?" Tanong ko habang pinupunasan ko yung luha ko.

"Maniwala ka man o hindi ang gusto ko lang naman ay--" hindi niya na natapos yung usapan dahil dumating na ang prof. Namin.

Dalawang oras bago matapos ang first subject, pag katapos neto ay recess na

"Class dismiss" umalis na ang prof. namin ganun din ang iba naming classmates.

"Alyanna gusto kasi kitang maging kaibigan" bungad agad ni Joseph
"Kaibigan? Bakit naman? Syaka kaibigan mo si Bryan baka pinag planuhan niyo lang to" sambit ko

"Hindi,wala kaming plano ,gusto kitang protektahan hindi sa naaawa lang ako, gusto kasi kitang turuan kung pano lumaban." Napangiti ako dahil may isang tao palang gusto akong maging kaibigan minsan.

"Salamat kung gusto moko maging kaibigan, Sige Joseph pumapayag ako" bigla siyang sumaya
"Talaga alyanna? Salamat ah" anlaki padin ng ngiti niya

"Aly nalang tawag mo sakin" sambit ko
"Okay aly Tara kain tayo sa canteen" pag aaya ni Joseph

"Ah..kasi seph mag babasa ako sa library" nakayuko Kong sabi
"Gusto mo bang mabully ka ulit?" Seryoso niyang sabi

Wala nakong nagawa dahil hinila niya ako papuntang canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The nerd's revenge(on-going)Where stories live. Discover now