Nathalie PovPapunta ako ngayon sa garden na sinasabi ni Kurt kasi meron daw syang sasabihin sakin syempre ako din dahil 2nd MONTHSARY na namin.
May dala din akong cookies at chocolates para naman matuwa sya dahil may effort pa ako sakanya
By the way I'm Nathalie Marie Villuañeza 16 yrs. young yan lang po kasi alam ko naman po na tapos nakong i nintroduce ni author
Back to reality. So yun nga naging kami ng campus king na si Kurt Lee Saladaves,hindi ko nga ma imagine na naging kami but thanks to god dahil meron pading tumaggap sakin kahit na ganito ang itsura ko.
Naguguluhan ba kayo? Eto kasi yun
Flashback
Naglalakad ako ngayon sa corridor mag-isa ganun parin chismosa there chismosa here pero binalewala ko lang iyon dahil sayang lang yung oras ko
Nakarating na din ako sa classroom namin.Papasok na sana ako ng may biglang nag takip sa mukha ko.Bago pa ako maka ilag nag salita na sya.
" wag kang mag alala hindi namn ako masamang tao" sabi nang babaeng boses" sumunod ka nalang sakin sigurado akong magugustuhan mo ito" dagdag pa niya.
Hindi nalang ako pumalag dahil alam ko namang mabait syang tao sa boses pa lang nya alam ko na.Lakad lang kami ng lakad hanggang sa huminto nadin siya kaya huminto nadin ako.
Tinanggal na din nya ang kamay nya sa mukha ko nang hinay hinay. Naging blur na yung paningin ko dahil sa pagtakip ng kamay ng babae hindi ko nakita ng maayos ang mukha ng babae dahil naging malabo na yung paningin ko kaya kinusut ko yung mata ko.Nang maaninag ko na yung mukha ng babae hindi ko mapigilang mapanganga, ang ganda nya mukha syang anghel maputi,mataas,blonde ang buhok mukhang mabait OMO tomboy na ata ako.Siguro swerte yung magiging boyfriend nya.
Natauhan lang ako nang iwinawagayway nya ang kamay nya sa mukha ko.