Nakilala ko siya sa hindi inaasahang panahon at lugar
Pinapangarap kita kahit alam kong malabo
Malabo na magkaroon ng 'Tayo'
At Malabo na magkaroon ng 'Tayo'
Paulit-ulit diba? Paulit-ulit ko rin kasing sinasabi sa sarili kong 'Hindi pwede' 'Impossible' at kung ano-ano pang salitang gusto kong batuhin sa sarili ko pero wala sadyang mapaglaro ang bwesit na tadhana
Mahal na siguro kita
Ang hirap isiping ang unang pagibig ko ay napunta sa isang fiction Character
Kainis nga eh, ang sarap balatan ng author
Author! Bakit? Bakit ganyan yung bida mo? Kasalam mo etong lahat!
Imahinasyon ba ang tawag dito? Well, siguro nga
Dahil isang karakter ka lang naman sa isang istorya
Isang karakter na binuhay ko sa aking puso't isipan
Isang karakter na minahal ko ng buong-buo
Pilit kitang iniwasan pero wala
Pinilit ko ang mga pasaway kong mata na huwag kang tignan pero wala
Pinilit ko ang sarili kong huwag humanga sayo ng sobra
Sa bawat yelo na lumalabas sa palad mo
Sa bawat pagpalit ng kulay kayumanggi mong mata
Sa bawat salita mong nakakalaglag panga
At sa bawat kilos mo na ewan ko ba pero nakakatanga
Masakit mang tanggapin pero nanggaling ako sa reyalidad
At ika'y isang kathang isip lamang
Bawat oras ikaw lang ang nilalaman ng isipan ko
Sana ikaw rin
Magdadalawang taon na ang lumipas simula nung pumasok ako sa mundo mo
Kamusta ka na?
Pakamusta naman ako kay Ganem diyan oh
Pati narin kay Professor Beowulf
Nagmamahal,
Kiel Thanos
BINABASA MO ANG
Escape The Reality
Fantasy"I love you but its a shame you don't exist" sabi ko sa kanya kasabay nun ay ang paglabas ko sa mga pahinang hindi ko na dapat pa pinakialaman simula nung una pa "Mahirap magmahal ng taong hindi ka mahal" Oh edi wow lamunin niyo yan pag sinabi ko sa...