At dahil sa matakaw ako, ang dami ko nang nakain. Malaki talaga ang pasasalamat mo dahil akala ko pati yung pagkain rito ay kakaiba pero kasing sarap lang pala nung samin dun sa labasKaso nakakapaghinayang lang dahil wala silang samyang rito.....
Hayaan mo na libre naman lahat eh
Kakatapos ko lang kumain at iginala ko na ulet yung mata ko paligid. Tipikal na buhay estudyante. May mga mesang isa lang ang nakaupo, sila yung mga weirdo at sentro ng bullying. Meron ring mesa sa dulo na grupo ng mga kababaihan ang nakaupo, tipikal, patawa-tawa at yung iba may pa hampas hampas pa, hula ko lalake nanaman yung pinaguusapan nila, hindi ko sinasabing ako yung lalake pero parang ganun na nga
Pero nakakapagtaka lang dahil merong malaking mesa sa gitna
"Sino sila Cha--ay este Theo?" nagtataka kong tanong
"Ah yung grupo nila Knight ba? Hula ko magpapacontest na naman yang lokong yan" halatang walang pakealam na sagot niya
"Contest?" Pagtatanong ko ulet
"Si Knight ay anak ng kanang kamay ng Reyna. Well as you can see, mayaman sila at sa sobrang yaman nila pinamimigay na niya yung pera niya pero hindi niya ganun kadaling pinamimigay yun" diretsahang sagot niya habang iniiwas yung tingin sa grupo nila Knight
"So dinadaan niya na lang sa pacontest, ganun ba?" at tinanguan lang ako ng loko at bumalik na sa librong kanina niya pang binabasa. Teka lang sa pagkakaalam ko recess to, diba dapat kumakain tong lokong to? Papagalitan ko sana siya katulad na lang ng ginagawa ko kay Chard dahil minsan nirarason niya nalang na wala daw siyang pera kaya mas mabuting mag aral na lang pero nalimutan ko hindi pala siya si Chard
Wala kaganaganang nilipat ko nalang yung tingin sa Knight na sinasabi niya. Halata naman sa postura nito na anak mayaman siya at yung mga taong nakapaligid sa kanya halatang halata ring pera lang ang habol kay Knight. Tsk kung ako sa kanya hindi ko gagastusin yan at itatabi na lang para sa future
Umakyat sa lamesa si Knight at sumigaw naman yung mga tao sa paligid. Tsk mga mukhang pera
Teka lang
Pera???
Wala nga pala akong pera
Eh ano naman gagawin ko sa pera? Eh hindi naman ako makamateryal na tao at ano naman bibilhin ko rito? Saan ko gagamitin yung--- Tama!
Mapapadali yung paghahanap ko ky Hatice kung may pera na ako. Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon dahil hindi ako sigurado kung kailan ulit ako makakabalik sa totoong buhay. Marami akong gustong itanong sa kanya kaya kailangan ko siyang mahanap
Baka patay na siya? Ah ewan! Malakas parin yung pakiramdam ko na buhay siya at yun ang matimbang
"Kalahating milyon na Ames" sigaw ni Knight at naghiyawan naman yung mga estudyante sa canteen. Bakas ang determinasyon sa kanilang mukha. Agad kong inayos ang aking pag-upo at nakinig na lamang ng mabuti
"Interesado ka?" Biglang sambit nitong Theo sa harap ko habang nasa libro parin yung atensyon niya. Nginitian ko siya bilang pagsang ayon
"Simple lang ang kapalit mga kapatid" sayang kapamilya ako eh "Gwantes ni Freya"
Hinintay kong sumigaw ulet yung mga estudyante pero bigla na lamang silang binalot ng takot at katahimikan. Wala sinumang nagsalita lalo na nang binanggit ni Knight ang pangalang, Freya
"Kung ako sayo burahin mo na yang interest mo at mamuhay na lang ng tahimik rito sa eskwelahan" mungkahi ni Theo
"Teka gwantes lang naman yung hinihingi eh" pabulong na sabi ko sa kanya
Ang tanong,
Sino si Freya? At bakit halatang kinakakatakutan siya rito sa Magjistar? Isa kaya siyang guro? Yung striktong guro? O di kaya'y isang halimaw
Sumilay ang isang nakakalokang ngiti sa mga labi ni Knight yung ngiting nakakaasar, yung ngiting alam na niya na walang makakakuha ng kalahatang milyon niya
Syempre pupusta ka nalang ng malaki hindi mo pa pahihirapan. Kung ako sa posisyon niya ganyan rin naman siguro yung gagawin ko, yung makita silang mahirapan
*bangggg
The canteen door slammed as it open widely
Yung mga estudyante sa gitna ay agad na bumalik sa kanilang mga mesa at merong nagsitakbuhan palayo. Bakas sakanilang mukha ang takot. Bumaba na rin sa lamesa si Knight na nakangiti parin
Niluwal ng pintuan ang isang misteryosong babaeng naka robe ren kaya masasabi kong isa rin siyang estudyante
Hindi ko makita kung anong house siya batay sa kaniyang necktie kase masyadong nakasira yung robe niya kaya natatakpan yung uniporme niyang panloob
Hindi ko rin makita yung mukha niya dahil tinatakpan eto ng makapal at mahaba niyang buhok. Pero halatang nakayuko siya at nakatulala lang sa sahig.
Ang masasabi ko lang
Kakaiba siya
Meron siyang dulot na pambihirang atmospera sa paligid . Agad rin akong napayakap saking katawan dahil biglang lumamig ang canteen
Kakaiba ren yung buhok niya dahil merong highlights, gray ata
Hindi ko inaasahang makakakita ako ng ganitong eksena sa buong buhay ko akala ko kasi sa mga pelikula ko lang makikita eto
Yung scene na papasok ang bida tapos lahat mapapatulala sa kanya. Yung bawat galaw niya ay merong nakasubaybay. Meron ring pahangin effect yung paligid kaya napa 'whoa' na lang ako sa sobrang bilib
Sana maging kaklase ko siya
Normal na tinungo niya ang cashier. Lahat ng taong nadadaanan niya ay agad na binibigyan siya ng madadaanan yung tipong isang libong metrong daan.Hahahahaha! Meron ring tumatakbo palabas at halos lahat ay yumuyuko, parang nakakamatay kapag tumigin ka sa kanya.
Walang kaganaganang binayaran niya ang binili niyang sandwhich at nilisan na ang canteen
Para kaming nabunutan ng tinik nang tuluyan na siyang mawala saming paningin
Para rin akong sinipa ng reyalidad ng mapagtanto kong may suot siyang gwantes at yun rin pala yung pinagkakaiba niya sa ibang mga estudyante rito
Si Freya
"Ngayon, sabihin mo saking interesado ka parin?" Mapang asar na tanong ni Theo at tuluyan nang binaba ang kaniyang libro at tinignan ako sa mata
BINABASA MO ANG
Escape The Reality
Fantasía"I love you but its a shame you don't exist" sabi ko sa kanya kasabay nun ay ang paglabas ko sa mga pahinang hindi ko na dapat pa pinakialaman simula nung una pa "Mahirap magmahal ng taong hindi ka mahal" Oh edi wow lamunin niyo yan pag sinabi ko sa...