Patungo na kami ni Theo sa susunod naming subject pero hanggang ngayon bulong bulongan parin yung eksena kanina sa canteen at yung pacontest ni Knight. Meron parin naman palang determinadong makuha ang pera pero bakas parin sakanila ang pangangamba sa kung anong hamon ang kanilang haharapin sa pagkuha ng gwantes ni Freya
"Madala naman siguro sa maayos na usapan si Freya eh, gwantes lang naman yun" wala sa sariling nasabi ko na lang nang makapwesto na kami sa aming upuan
"Wala ngang nagtakhang kausapin yun" sagot ni Theo habang inaayos na ang kaniyang mesa
"Sino ba siya? At bakit ganun nalang kung makareact yung mga estudyante kanina?" Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil ang dami dami kong gustong itanong sa mga oras na ito
"Hindi ako ang tamang taong makakasagot diyan" magalang na sagot niya . Magsasalita pa sana ako nang bigla may dumating na di katangkarang lalake sa harap namin. Meron siyang bigote at halatang strikto eto dahil nakataas noo siya at yung isang kilay niya ay nakataas rin, mapanghusga rin ang kaniyang mga mata
At sa wakas, dumapo na rin sakin ang kaniyang mata!
"Bago ka" puno ng awtoridad na sabi niya "Nasa huli ang pagsisisi iho" at agad na niyang sinimulan ang kaniyang leksyon
Pinalabas niya sa amin isa-isa ang aming wand
"Kung ako sa inyo makinig kayo ng mabuti sa bago nating spell ngayon dahil magagamit niyo talaga ito sa palaro natin sa katapusan ng school year natin ngayon" panimula niya "I expect na alam mo na yung tradisyon namin dito, iho" baling niya sakin
"Hindi po gaano" mahina kong tugon habang nakayuko
"As you can see, lahat ng mga estudyante namin dito ay mga palaban. Mukhang engot lang ang iba pero malaking karangalan nayan para sa kanila dahil hanggang ngayon nanatili parin sila rito. Nag-aaral at nageensayo ng mabuti bilang paghahanda sa paparating na palaro. Tumatanggap lang kami ng kahit sino dito sa eskwelahang ito. Bawat taon ay triple ang pumapasok rito kompara sa mga lumalabas kaya kailangang BAWASAN" nagsitayuan ang mga balahibo ko sa leeg nang diniin niya sakin ang salitang bawasan
"Theseus Armani, at your service" magpapakilala lang naman pala ang dami pang dadaPero okay narin siguro yun para maging aware naman ako na dito pa pala ako sa libro mamamatay
Hindi ko hahayaang mamatay ako rito. Hindi ko hahayang mamatay lang akong hindi pa nasagutan lahat ng katanungang gumugulo saking isipan. Lalaban ako hanggang sa kaya ko dahil akoy ay isang Thanos at walang Thanos na sumusuko lang agad
Lumapit si Theseus sa harap ng isang hawlang may takip at buong pwersang kinuha ang telang naka takip dito at bumungad sa amin ang isang gagamba, di siya gaanong kalaki kumpara sa nakita ko sa gubat pero hindi rin siya maliit kumpara sa mga ordinaryong gagamba
"Season of Acrumantula ngayon. Ang mga Acrumantula ay mga malalaking gagamba, obvious naman diba? At ngayon tunghayan niyo kung pano ko papatayin ang isang to" mayabang niyang sabi at nilabas narin yung wand niya sa ere at tinutok dun sa gagamba
Teka ano ngaba yung spell na ginamit ni Ganem kagabi? Killme? Killyou? Kill this love? Ah basta Kill talaga yang gagambang yan HAHAHAHA
"Kilgore!" At biglang lumiwanag ang wand niya at tumama ito sa walang kalaban kalaban na gagamba sa luob ng hawla
The class cheered as we witnessed how Mr. Armani killed the spider, well not just a normal spider but an Acrumantula. Mabuti sigurong ilista ko ang isang yan dahil magagamit ko talaga yan
BINABASA MO ANG
Escape The Reality
Fantasy"I love you but its a shame you don't exist" sabi ko sa kanya kasabay nun ay ang paglabas ko sa mga pahinang hindi ko na dapat pa pinakialaman simula nung una pa "Mahirap magmahal ng taong hindi ka mahal" Oh edi wow lamunin niyo yan pag sinabi ko sa...