Spoken Word

683 6 0
                                    

"Ang Huling Paalam"

Hi Bai!
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero hayaan mo sana akong magsimula sa Salamat

Salamat nang dahil sayo lumiwanag ang madilim kong buhay
Salamat nang dahil sayo natuto akong magmahal sa sarili ko
Salamat nang dahil sayo nahanap ko ang sarili ko
Salamat nang dahil sayo natuto ako
Natuto ako na magpahalaga nang mga bagay o tao na dapat na pinapahalagahan habang nandyan pa

Katulad mo
K

atulad mo na biglang lumayo nang hindi ko alam kung ano ang naging dahilan


Kasi bai haha
Di ko alam eh
Di ko alam bai kung bat tayo nanging ganto
Bakit kailangan nating umabot sa ganto
Sa punto na ayaw mo na at ngunit di ko man lang nararamdaman na ayaw mo

Kasi bai manhid ako eh
Manhid at Tanga ako
Dahil di ko manlang napansin na
Suko ka na at ayaw mo na

Sorry ah
Sorry kasi kahit na alam ko na
Di parin ako natigil
Di parin ako nagpapatinag
At umaasa parin ako
Umaasa parin ako na maiibabalik natin ang nakaraan
Ang dati
Ang dating tayo

Ngunit panoo ba?
Panoo nga ba natin maibabalik ang dati kung sawa ka na?
Sawa ka na sa pagmumukha ko
Sawa ka na sa paguugali ko
Sawa ka na saakin?

Bai panoo na?
Tulong naman
Kasi hindi ko na alam eh
Di ko ma alam kung anong gagawin ko

Dahil sa tuwing titingin ako sayo na masaya sa piling nang iba
Nasasaktan ako na natutuwa
Natutuwa dahil masaya ka
Nasasaktan dahil hindi na ako ang rason kung bakit ka masaya

Bai I'm sorry
But I can't take it anymore
Sorry ah
Sorry kasi di ko na kayang maghabol
Sorry kasi pagod na akong mageffort
Sorry dahil hindi na kita kayang tiisin pa
Sorry dahil ako'y magpapaalam na

Paalam sa mga nakasanayan ko
Paalam sa mga luha na ikaw ang nagdulot
Paalam sa mga ngiti mo na ako ang may dahilan
Paalam sa mga masasayang memoria na iniwan mo saakin
Paalam sayo at sa pagkakaibigan natin

Paalam

***************
SO AYUN PO AT DYAN PO NAGTATAPOS ANG KADRAMAHAN MI MADAM AURING CHAROT.. AYUN PO NAGBABALIK SI AQOEH NA MAY SPOKEN WORD KASI INSPIRED AKO BWHAHHAHAHA CHARUT.. AYUN SANA MAGUSTUHAN NYO PO YUNG WALANG KWENTANG SPOKEN WORD KO.. KUNG SPOKEN WORD PA ANG TAWAG DYAN ABA EWAN😂😂😂
AYUN SALAMAT AT KITA KITS SA NEXT CHAPTER LABYU GUYS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken Words Where stories live. Discover now