"KLASMATE ZONE "
Tama na.
Dahil tanggap ko na,
na Hindi niya ako gusto.
Tanggap ko na,
na Hindi nya ako
gusto at klasmeyt
lang ang tingin nya saiyo,
Hindi ka niya
iniisip at ang
iyong pangalang
ni minsan ay Hindi
sumagi sa kanyang isipan.
Gusto ko Itigil na
ang romantikong
paghanga sa kanya
dahil sa huli alam
kong ako lang rin
Ang magmumukhang tanga.
Tanga diba yun ang
tawag sa mga taong
umaasa nang umaasa
kahit alam nilang
Hindi na kaya
Umaasa na
mapapansin
sya ni Crush
Umaasa na
magiging sila
Umaasa pero
napapaasa
Mga umaasa
nang umaasa
kahit na ilang beses
na sila napaasa at
nagmumukang kahiya hiya
Mga umaasa na tulad ko,
Mga tulad ko na Umaasang
may forever
Mga tulad Kong Tanga
Tanga tanga tanga,
Tanga dahil sa
pagaasa sa Kanya,
Tanga dahil
Hindi ko parin
tanggap na walang kami
Tanga na Hindi
matanggap na klasmeyt
lang ang tinggin nya saakin
Tanga dahil alam
ko na wala nang
pagasa pero
umaasa parin
Kaya please Tama na.
Ipahinga mo na iyang
Isip at puso mong
palagi na lamang sya
ang laman,
na nasasaktan
na sa katangahan mo
REAL TALK
DI ka niya gusto.
gusto Kong sabihin
nyo sakin nang
paulit ulit nang
magtanda at
tumatak na sa isipan ko
Tama na bes .
Pahinga ka na
Alisin mo na sa'yong
isipan ang pagrereklamo,
pagtatanong at pagkalito.
Dahil ngayon
ay lilinawin ko na sa'yo,
lilinawin ko sayo na
Hindi ka niya gusto
at hinding hindi ka
nya magugustuhan
"Dahil para sa kanya ay Klasmates lng kayo "
YOU ARE READING
Unspoken Words
RomanceMga Hugot, Mga Patama at mga Spoken Word Poem para Kay special someone or para sayo.. MAGABASA KUNG GUSTO NYONG MALAMAN 😑😂
