CHAPTER 1: I AM INVITED

1 0 0
                                    

¤~~©~~¤

Angel's POV

Wala naman akong magawa sa buhay ko! College life is real talaga! Napakaraming exams! Bakit ba kailangan pa kaming parusahan ng ganito! November na! Magbigayan naman sana ng pagmamahal hindi mga gawain sa school! May Prelims tapos may thesis tapos may mga reporting pa! Ahhhhh! Wala na bang katapusan to?

Mama: "Anak?! Nagchat sa akin si Tita France mo! Uuwi daw sila ng Pilipinas! Magonline ka daw at magvivideo call kayo nina Aira!"
Ako: "Opo ma!"

Haay! Matagal ko na din di nakakausap sina Aira. Kumusta na kaya sila sa states?

Ako: "Hi! My mom told me that you are about to have a video call with me. And I heard you are visiting Philippines for your Christmas vacation. Is that all true??"

Aira Reyes Video Calling 🎥🎥

Ako: "Hi there! So? It was true. You're visiting Philippines!!"
Aira: "Yess!! I am really excited!! I really missed Philippines a lot. I can see some of your posts on facebook. Andre is so damn hot now!! Does he have a girlfriend??"
Ako: "Yeah right?! Haha I believe he doesn't have anyone. The last time I talked to him he was very available. He just broke up with his girlfriend about 3 weeks ago."
Aira: "I see. Anyways we will be there in a month so you better go to Tita Cathy's house on weekend you will be having a practice."
Ako: " Practice for what?! Oh I remember it will be your birthday on December 5. It will be your debut!! So I will be part of your cotillion?!"
Aira: "Of course! How can I forget about you? Anyways, I have to go, I still have some of my class later. See you!!"
Ako: "Oh I see. Bye now! Take care! See you and I missed you so much!!"

Sana nung debut ko may ganito din. Ngayon pa ako napaisip. Kasi naman compare mo yung gastos ng isang debut party kesa magbabakasyon ako somewhere out. Dun na ako sa bakasyon. Edi nung 18 ako nakapagbakasyon ako sa Baguio, Tagaytay then we went down to Boracay. Masaya na ako dun. Ayoko na mamroblema pa mga magulang ko sa ganung bagay.

And then weekend came. Pumunta na ako kila Tita Cathy at pagdating dun. Nakita ko yung iba pa naming mga kababata at sila din pala makakasama namin sa cotillion. Yung iba mga naging classmate namin noon na hindi ko na nakilala. Nandun sila Andre, Patrick, Nicole, Anne. Pati yung may lahi na kababata din namin sina Ian at Jam. Si Arvin, Michael at Daniel nandun din.

Tita Cathy: "Guys! Maraming salamat sa pagpunta niyo. So alam ko naman na alam niyo na kung bakit kayo nandito diba?? So one month to practice tayo para sa cotillion. Every weekend ang practice ay 3pm at kapag weekdays 7pm. Okay ba yun? Ihahatid ko na lang kayo in case na gabihin tayo. "
Lahat:  "Okay po tita."
Tita Cathy: "Siya nga pala guys, ipapakilala ko sainyo si Shiela, siya ang choreographer natin for the cotillion."
Shiela: "Hi guys! So for tonight wala tayo masyadong gagawin kundi pairing lang at basic steps. So pag may practice po tayo wear comfy na damit tapos sa girls remind lang may mga liftings tayo so it's better siguro not to wear skirts. Let's start.

¤~~©~~¤


¤~~©~~¤

Practice lang kami ng practice nun. Mahirap din pala gumawa ng ganito mabuti na lang di na ako nagcelebrate ng debut noon. Hahaha Pero sa totoo lang masaya talaga kapag ganito. Sa una puro muna kami basics then nagstart na kami ng mga steps para sa waltz na part ng cotillion dance. Madali lang yung mga steps pero nakakahilo talaga yung mga ikot. Mostly double turns o kaya naman sa partner na liftings ang ginagawa namin. Pero masaya talaga siya.

Magagaling din kumuha ng steps mga kasama namin so napabilis yung mga pagpractice namin sa waltz. Isang linggo pa lang eh master na namin yung steps at liftings. Kaya magready na daw kami para sa next na sasayawin namin. Kasi meron pa daw chacha part yung cotillion. Sumasayaw din naman ako so madali lang sa akin yung chacha na part.

Tapos nagchat sakin bigla yung isa sa mga kasama sa cotillion si Ian.

Ian: "Angel??"
Ako: "Ano?"
Ian: "Pangcotillion ba talaga yung chacha na gagawin natin."
Ako: "Oo naman. Pwede yun. Bakit ba?"
Ian: "Eh parang paparty tayo nito. Eto panoorin mo."
Ako: "Sige send mo nga."

Link Received

Tawa ako ng tawa kasi eto yung nakuha niyang chacha:

¤~~©~~¤

¤~~©~~¤

Ako: "Haha baliw ka Ian. Hindi naman kasi yan eh. Eto yun"

Link Sent

¤~~©~~¤

¤~~©~~¤

Ian: "Yan ba yun? Haha Sige salamat. Papakinggan ko na yan para mafamiliarize na ako sa tugtog."
Ako: "Wow ah?! May pinasisikatan ka ba? Seryosong seryoso talaga sa pagaaral ng sayaw eh."
Ian: "Hindi naman, first time ko kasi so ayoko naman mapahiya."
Ako: "Ganun ba?! Ah sige. Galingan mo ah. Kailangan ko na magpahinga. Good night na."
Ian: "Sige. Salamat ah. Good night din!"

Natulog na ako para hindi ako malate sa school kinaumagahan. At nangyari nga! 10am first class ko at nakarating ako 11am.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I FOUND HIMWhere stories live. Discover now