Alaala ng Sitio Inabaan

14 0 0
                                    

Genre: Inspirational

Note: Entry for "Tulong sa Bata" anthology

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Note: Entry for "Tulong sa Bata" anthology.

Bago pa man tumilaok ang manok ay gising na si Melvin. Binuksan niya nang dahan-dahan ang bintanang yari sa kahoy at kabibe. Gusto niyang masilayan ang unang bukang-liwayway pagkatapos ng mahabang biyahe kagabi. Ito rin ang unang bakasyon niya makaraan ng walong taon na pananatili sa bansang Switzerland. Maya-maya ay may narinig siyang munting katok sa pintuan ng kanyang kwarto. Pagbukas ng pinto ay nakatayo si Nanay Fely na may hawak na tasa ng bagong timplang kape.

"Magandang umaga iho, narito na ang iyong pinatimplang kape. Saan ko ba ito ilalagay?" Ang munting bati ni Aling Fely.

"Pakilagay na lang po riyan sa may mesita," sagot ni Melvin. "Salamat po."

"Bakit nakabukas ang iyong bintana, ang aga pa at baka mahamugan ka niyan?" Pag-aalala ng ginang.

"Sinadya ko po talagang buksan iyan dahil nasasabik akong makita ang bukang-liwayway. Ilang taon din bago ako nakauwi rito sa atin."

"Ay oo nga ano, ilang taon na nga ba? Maliit pa noon sila Miguel. Ngayon katatangkad na nila. Nasaan ba si Priscilla? Bakit hindi ninyo kasama?" Tanong ng ginang.

"Susunod po siya sa makalawa. May inasikaso pa po sa trabaho kaya nauna na po kaming mag-aama," paliwanag ni Melvin.

"Abay dapat lang. Manghihinayang iyon na hindi makita ang barrio natin. Malaki na ang ipinagbago nito. Siya, diyan ka muna anak at titignan ko naman sila Miguel sa kabilang kwarto."

"Salamat po Nanay Fely. Salamat sa pagaasikaso ng bahay habang wala kami at sa pag-aalaga sa pamilya namin simula noon hanggang ngayon," sabay halik sa noo ni Nanay Fely.

"Ano ka ba iho, kay aga-aga e. Ang isipin mo ay maging masaya sa inyong pagbabakasyon habang nandito kayo sa barrio," magiliw na pahayag ng ginang.

"Oo nga po, maraming bagay na yata akong napalampas. Ibang-iba na nga ang Inabaan kumpara noong bago kami nangibang bansa."

Sunud-sunod ang pagtilaok ng mga manok. Habang tinatanaw ni Melvin ang ibang kanayunan kasabay nang paghigop ng kape ay tanaw na sa kanyang bintana ang papasilip na liwanag ng araw. Maya-maya ay tuluyan nang sumikat ang haring araw. Natuwa siya sa mga pagbabagong kanyang nakita. Ang dating barong-barong na tirahan nila Mang Esteban ay sementado na. Punung-puno naman ng halamanan ang bakanteng lote malapit kina Arthur, isa sa kanyang kababata. Unti-unti nang nagsisipasok papuntang eskwelahan ang mga batang nagaaral sa elementarya at hayskol. Pero napansin niya, kumpara noon ay kakaunti na lamang ang mga naglalakad at halos ang lahat ay may kanya-kanyang sasakyan. Biglang nagbalik sa kanyang gunita noong nasa ikalawang baitang pa lamang siya. Halos pagalitan siya ng kanyang Mama dahil ayaw nitong pumasok kapag paglalakarin lang ito. Gusto niya palagi ay hinahatid siya ng kanyang Papa gamit ang kanilang traysikel. Bigla na lamang siya napangiti nang maalala nito kung paano nalaglag sa may likurang bahagi ng traysikel si Arthur nang minsan umangkas ito para makisakay. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang gunita ay may isang magandang ginang ang sumipol sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pen And Fireflies (One-Shot Series) Volume IWhere stories live. Discover now