Chapter 1

3.9K 54 1
                                    

MAZEON KACE'S POV

Nagising ako dahil sa tuloy-tuloy na pag-vibrate ng aking phone... Who the hell is texting me this early in the─ WTH! It's already 10:00.. Late na 'ko! First day pa naman! Tsk.. Di ko na pinansin yung texts sa phone ko.. If I know, it's all from mom asking me if I went to school. Ayoko, tinatamad pa ko pumasok.. atsaka late naman na ko eh. I don't believe sa saying na, "It's better late than never."

First day pa lang naman. Kadalasan ay puro orientation lang kaya siguro ayos lang na umabsent. Hindi naman ako bago sa paaralan kaya alam ko na ang mga routine at 'di na kailangan makinig sa napakahabang orientation.

By the way, I'm Mazeon Kace Villanueva Hidalgo or Maze, that's what they call me.. Mabait ako, Gwapo, Tamad (sino bang hindi diba?), Gwapo, Mayaman Gwapo, syempre Matalino.. Kahit hindi ako pala-aral kailangan ko pa rin mag-aral dahil ayokong umasa sa pamilya ko.. Hindi porket ay may kumpanya kami ay hindi ko na pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral dahil sigurado na ang kinabukasan ko... Let's go back.. Gwapo (nasabi ko na ba toh?) at lastly, heartthrob.. hindi sa nagmamayabang ah..

So I fixed my bed dahil tinuruan naman ako ng mga magulang kong magligpit ng pinaghigaan atsaka matino naman ako.... Di ko alam at "troublemaker" daw ako sabi ni Dad.. Pagkatapos ko ayusin yung kama ko ay pumunta na ko sa CR para maligo.

After a few minutes....

I decided not to go to school kasi nga tinatamad pa ko. Nagluto na lang ako ng egg and hotdog for breakfast. Mag-isa lang naman ako eh. I live in a penthouse dad gave me. Sabi ni Dad maliit siya pero malaki pa nga ito para sa isang tao.

After eating my breakfast, I decided to have a walk para naman mabawasan yung pagka bored ko. Naglakad lang ako until sa park malapit sa penthouse. I looked at my watch, 12:10 na pala. Dahil sa mahabang nilakad ay hindi ko namalayan ang oras.

Umupo muna ako sa isa sa mga bench. Maya-maya may nakita akong babaeng umupo din sa isa sa mga bench. Di ko maaninag yung mukha niya, nakakasilaw kasi yung araw.

Tinititigan ko lang yung babae, I don't know pero di ko maalis sakanya yung tingin ko. Maya-maya nakita ko siyang napatingin sa direksyon ko kaya umiwas ako ng tingin. Di na ulit ako tumingin kasi baka isipin niya that I'm a stalker.

I will stay here para makapag-relax. Hindi naman ako nagugutom kaya di na ko kakain ng tanghalian. Siguro ay magpapagabi na ko rito para na rin mapanood ang sunset. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Tinext ko nalang yung dalawang ugok.

To: Ethan, Zach

Mga ugok, punta kayo bahay, inom tayo!

Maya-maya ay sumagot sila

From: Ethan, Zach

E: Hoy! Orb, bat di ka pumasok? Atsaka, ano? Iinom? May problema ka ba?

Parang tanga talaga tong si Ethan, may problema agad? Nagsimula na akong maglakad pauwi dahil dumilim na rin. Ang bilis mag set nung sun

To: Ethan, Zach

Nagyayaya lang ako. Wala akong problema, ugok ka talaga. Na late ako nang gising kaya di ako nakapasok.

From: Ethan, Zach

Z: Sinabi mo pa, Maze. Ugok talaga yan.

E: Takte ka, Zach! Pinagtutulungan niyo nanaman ako.

To: Ethan, Zach

Oh ano, pupunta ba kayo o hindi?

Napakatagal sumagot nitong dalawa! Nakauwi na ko't lahat!

From: Ethan, Zach

Z: Ano orb, umabsent lang ng isang araw di na marunong maghintay?

E: Basta ako, G!

To: Ethan, Zach

Hay tama na satsat! Pumunta na kayo dito kung pupunta!



ARZALEY KAYLIE'S POV

Nakakainis naman, ngayon pa di gumana yung alarm clock ko. First day na first day tas absent ako. But it's okay, orientation day pa lang naman ngayon eh. I'll just ask Savannah about the orientation.

Nasa bahay ako ngayon and mag-isa lang ako. Nagluluto ako ng breakfast ko which is bacon and ham. After maluto ay kumain na ko. Nagpahinga lang ako sandali bago naisipang maligo. Dahil napagdesisyunan ko nang umabsent at bored ako dito sa bahay ay napagdesisyunan kong maglakad-lakad.

Sa paglalakad ko ay may nadaanan akong penthouse papuntang park.. Hindi ko maiwasang mapatitig at mamangha sa ganda nito. Pero siyempre dahil mukha akong tangang nakatayo doon at nakatitig lang ay lumakad na ko papuntang park malapit sa condominium na tinutuluyan ko.

Pagkarating ko sa park ay umupo ako sa isa sa mga bench na nakita ko pagkadating. I looked at my phone at tinignan ang oras, 12:16 na.. Kumain naman ako ng tanghalian bago pumunta rito kaya hindi ako gutom. Hay no na kayang gagawin ko. Ugh, it's so boring.

Oh btw, di pa pala ako nagpapakilala.. I'm Arzaley Kaylie Montano Gomez, Savy calls me Arz. Sabi nila maarte ako, but I am not. Mabait, matalino, maganda, bad girl? no. I am so far from being a troublemaker or what. May naging boyfriend? Wala, because lahat ng nanligaw sakin di pasado sa gusto ni Savannah AHAHAHHA .. So yun lang :)

Napansin kong may nakatitig sakin at napalingon sa isang direksyon and saw a guy.. Hmm, siya kaya yung nakatingin sakin? Whatever, ayoko mag-assume. Pero, in fairness kay kuya, ang pogi pag naka side view.. Pano kaya pag naka harap ?? Umiwas na ko ng tingin dun kay kuya baka mapansin na tinititigan ko siya..

Nagpalipas ako ng oras sa pagce-cellphone. Nag-stay na ko sa park dahil wala naman akong gagawin. Dahil sa pagce-cellphone ay di ko namalayan ang oras. Napatingin ako sa araw at nakita na papalubog na ito. Ang ganda talaga ng sunset. I love how it symbolizes end and beginning at the same time.

Nang dumilim na ay naglakad na ko pauwi. Sakto namang nag-text si Savannah na mags-sleep over daw siya sa unit ko kaya binilisan ko na ang lakad para makapagluto na rin ako ng dinner namin.

Nang makarating ako sa bahay ay nagluto na ko nang sinigang na isda. Naghanda na rin ako nang mga plato at baso. Maya-maya rin ay nag-doorbell na si Savannah. Kaya naman ay pumunta na ko sa pinto at binuksan yun.

"Hoy! Arz! Bat ka absent, babaita?!!" Bungad niya sakin.

"Bakit miss mo na agad ako?" Pang-aasar ko sakanya. Agad naman niya akong binatukan.

"Baliw! Bat naman kita mamimiss? Pero bat ka nga umabsent?" Pangungulit niya pa rin.

"Na-late ako nang gising eh. Di kasi nag-alarm yung clock ko. Asar!" Paliwanag ko.

"Pero okay lang naman kasi may kadamay ka naman na umabsent din ngayon."

"Sino naman?" Tanong ko.

"Di ko narinig masyado eh, pero Mazeon Hidalgo yata. Basta yun na yun."

"Ahh. Okay. Tara na, kumain na tayo!"

After ilang minutes, nahugasan na namin yung mga pinagkainan namin. Naghanda na kami sa pagtulog.

"Bakit mo pala naisipan na mag-sleep over dito? Nag-away ba ulit parents mo?" Nag-aalala kong tanong.

"Baliw! Hindi noh! Nag-alala kang ako kasi di ka pumasok! Atsaka, di na sila nag-aaway.. Bati na sila eh.. Sa wakas nga eh." Buti naman kung ganun. Kasi tuwing pupunta dito yan, ibig sabihin nag-away nanaman parents niya.

"Buti naman kung ganun. Haayy.. Namimiss ko tuloy sila Mama."

"Kailan daw ba sila uuwi?" Tanong niya.

"Wala pa ngang nasasabi pero araw-araw naman nila akong kinakamusta."

"Hay nako! Matulog na nga tayo!"

"Sige! Goodnight, beshie!" Sabi ko.

"Goodnight, Arz!!"






[End]

Love at First Sight?! [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon