Kabanata 2

4.2K 35 1
                                    

Kabanata 2


Agad akong napabalikwas ng may biglang magbukas ng gate. I saw a guy with his piercing eys na animo'y may ginawa akong kasalanan. He looked at me from my head to foot and went back to my face. I gently smiled and stared at him.


"What do you need?" He asked me with his baritone voice. I sighed before answering his question. 


"Ako po yung maga-apply bilang katulong." Ako sa maliit na boses. I feel uneasy with his stare kaya napaiwas din ako agad.

He glance at me again. Umalis naman kaagad siya sa gate na animoy hinahayaan akong pumasok. Agad akong pumasok at tinignan siya na nagsasarado ng gate.


Nauna naman siyang naglakad sakin papasok kaya sinundan ko ito. Bago ka makarating ng main door ay may malaking puno ng niyog sa kaliwa habang sa kanan naman ay bakante at  puro damo lang. 


Nang makapasok kami ay bubungad sayo ang matarik na hagdan paakyat.  Maganda ang pagkaka-ayos dito na sa tingin ko'y mamahalin lahat ng ginamit dito. Kulay puti lahat ng paligid naiiba lamang ang hagdan na kulay itim.


Umakyat naman kami sa hagdan, sa gitna ng hagdan ay makikita mo ng malapitan ang chandelier. Pag akyat ay lumiko kami sa kaliwang bahagi ng bahay. Kulay puti ang kulay sa lahat ng pinto ng mga kwarto. Ang mga handle lang ang iba. 


Pumasok naman kami kaagad sa isang kwarto. Pinaupo niya ako sa isang upuan katapat ng mesa at siya naman sa harap k. Nilibot ko ang tingin ko dahil buong kwarto. Malaki ang kwarto, pinapalibutan ng kulay puting pintura ang kabuuan nito. Maayos ang mga libro sa mga lalagyan nito at ang mga dokumentong paniguradong mga importante.


"Your name?" He asked with the same tone. Napalunok muna ako bago sumagot sa kanyang sagot.


"Elisa Nami Lopez, sir." I said with my low voice, again. Hindi ko alam kung sa kaba ko lang iyon o may iba pang dahilan. 


"Age?" Siya habang nakatingin pa din sa'kin. 

"23, Sir." Nakita kong tumango-tango naman ito.

"Are you a student, or what?" He gestured and looked at me with his confused eyes.

"Nag-aaral po ako, napalayas lang po ko kaya natigil ako." I explained. He nodded and look at me again with intensity.


"Okay, start tomorrow." He said with finality. Tumango tango naman ako sa sobrang tuwa sa nalaman. 


"You'll use the room downstairs at the left-wing of the house. Dalawa lang iyon sa kaliwa ang kunin mo. You can go now." I nodded and went outside. Maagap akong bumaba at hinanap ang kwartong para sa'kin. 


"Parang ang bilis naman nilang tumanggap? Wala ba akong kasama dito na ibang katulong?" I asked myself while folding my shirts and shorts.

"Hayaan na nga." I said at tinapos na rin ang pagtitiklop. Maganda ang pagkakagawa sa kwarto ng mga katulong. May magandang kama at mayroong cabinet sa kaliwa. Ang CR ay nasa gitna at mukhang maghahati pa ang dalawang kwarto sa katabi ko.


May nakita akong damit na sa tingin ko'y uniform ng mga katulong. Kulay krema ito at ang at pambaba ay kulay brown. Sinuot ko naman ito kaagad at inayos na ang sarili ko. Kahit naman sinabi ni  Sir na bukas pa ang simula ko'y gusto kong makatulong man lang.


Lumabas na ako para makapag umpisa na magluto dahil maga-gabi kaya kana, kaya naman kailangan na magluto ng hapunan. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay maayos na ang sinalang kong kanin. Tinignan ko muna yung orasan at nakita ko na 6:30 na kailangan ko ng magluto ng ulam. Naghanap ako ng mga rekados na mabilis lamang mailuto. Nakakita ako ng karne ng manok kaya naman Adobo na lang ang naisip kong iluto.


Ala-syete na ng matapos akong matapos sa pagluluto. Nakita kong may pumasok na magandang babae kasama ang lalaking alam ko'y amo ko. Nakasuot ng maganda at mukhang mamahaling damit ang babae habang si Sir ay nakaputing t-shirt at pantalon lang ito. Siguro ay nobya niya ito.

"Is she our new yaya?" Maarteng sabi ng babaeng maganda habang nakataas ang kilay sa'kin. Umupo naman sila at kumuha ng pagkain.

"She is, Jane." Si Sir sa mababang boses. Nagsimula naman na silang kumain habang ako'y nakatayo lamang sa gilid. Mukhang napansin ni Ma'am Jane na nakatyo pa ako doon kaya naman ng nagkatitigan kami'y tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong ginagawa mo d'yan?" Mataray na sabi niya habang nakataas pa din ang kilay. Tono pa lamang ay halata ng pinapa-alis na ako.

"Pasensya na po." Pagkasabi ko'y umalis na agad ako. Narinig ko pa na sinaway ni Sir ang nobya.


"Jane, you should just ask nicely told her to leave?" Si Sir na halatang nagtitimpi sa nobya.


"It doesn't matter Matthew. Dapat lang sa kanya iyon." 

Elisa Nami Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon