Kabanata 18

565 10 1
                                    

Kabanata 18

Sorry


Buntis ako

Buntis ako

Buntis ako

Buntis ako

Ayan lang ang nasa isip ko buong magdamag. Ilang oras na akong tulala mula ng umalis ang doctor. Si Allen ay iniwan ako para bumili ng makakain dahil gabi na.

Speaking of gabi. Gabi na at hindi ko pa rin nakikita si Matthew. Mag mula ng magising ako kanina'y si Allen lang ang dumalaw sa'kin. Pati si Manang ay hindi ako nakuhang dalawin.

Hindi ko talaga si bati pag-uwi ko. Hmp.

Nakaupo ako ngayon sa higaan at inaantay si Allen na bumalik. Gutom na rin kasi ako at mukhang matatagalan pa itong si Allen.

Sana naman ay wala siyang nakitang gwapo at humarot na naman.

Mabuti na lang ay dinala ni Allen yung phone ko at hindi ako maboboryong sa pag aantay. I held my phone and unlocked it. I missed my social medias. Hindi ko na rin alam kung ilang buwan na akong hindi nakakabukas ng social medias ko.

I opened my Facebook account at ang daming bumungad sa'king notification. Nang buksan ko ang mga nag add sa akin ay nakita kong inadd ako ni Kenneth at Rina. In-accept ko naman agad sila pati na rin ang ibang nag-add sa akin.

Nagulat ako ng biglang lumabas ang chat head at nakita kong group chat ito. Kaming tatlo lang ni Rina at Kenneth ang nandito sa tingin ko.


Kendra Cruz:
@Nami Lopez balita ko na ospital ka. Okay ka lang? Bisitahin ka namin bukas.

Cristina Cruz:
Ilang linggo ka na ring hindi pumapasok. Sinabihan kami ng mga Prof na kapag hindi ka pa pumasok baka madrop ka na :<

Nami Lopez:
Don't worry guys, ayos lang ako :)

Nami Lopez:
Baka siguro magtake ulit ako next year mukhang hindi na ako makakaabot :)


Pinatay ko na ang phone ko ng nakita kong naseen nila iyon. Huminga muna ako ng malalim bago ibaba ang phone ko. Saktong pagbaba ko ng phone ay nakita kong may pumasok na dalawang tao.

Malaking ngiti ang binungad ko sa pumasok pero nawala ito ng makita ko ang tao ayaw kong makita. Umirap naman ako at humalukipkip. Mas lalo akong nabanas ng malamang si Matthew ang kasama niya.

Ano? Iiwan na niya ako para sa babaeng iyan?

Sige! Ayos lang! Kaya kong buhayin itong anak ko!  Akala naman niya. Umismid ako ng umupo si Matthew sa upuan na nasa gilid ng aking kama. Hahawakan niya sana ako pero pinalo ito.

"May gusto ka bang inumin Jane?" narinig ko pang tanong ni Matthew ay Jane. Mas nabanas ako dahil hindi man lang niya ako tinanong pero si Jane. Hmp!

"Aa-ah okay lang ako Matthew." narinig ko ang maliit na boses ni Jane. Nagpapaawa ba ito? Aba!

Nanliliit naman ang mata kong tinignan si Jane. Nakita kong nakatingin ito sa akin pero ng tumingin ako sa kanya ay yumuko ito. Napataas naman ang kilay ko sa inakto niya.

"I'm sorry Nami." napasinghap ako sa sinabi niya. Nakita kong tumayo si Matthew habang nakatingin sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Tumayo si Jane ng makitang lumabas si Matthew. Umupo siya sa inuupuan ni Matthew kanina at hinarap ako. I faced her and I saw a glimpse of tears in her eyes.

Elisa Nami Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon