Kabanata 1: Tayong Dalawa

17.5K 296 32
                                    

"Bakit wala ka pa? kasama ka'y parang nag-iisa
Pangakong magmamahal, aalis ka rin pala"

"Nandyan po ba si daniel ?"
Nanginginig na tanong nya sa matandang kasambahay na nagbukas ng gate ng  malaking bahay nila daniel

"Naku iha wala sya"

"Saan po sya pumunta? Okay lang po ba na hintayin ko sya dito ? Sige na po" basang basa na sya ng ulan kanina pa sya sa labas pero ni isang sagot wala syang natangap mulansa binata .. ilang araw nadin syang walang balita dito ni hindi ito nagpaparamdam sa kanya kung saan saan pumupunta pero hindi nya mahanap si daniel wala din kasi ito sa condo nya at hindi na din pumapasok sa university .. ilang araw nadin syang palakad lakad walang mapuntahan . Wala ding laman ang sikmura nya kaya nararamdaman na nyang kumakalam ito .

"Naku iha basang basa ka na oh .. umalis ka na kaya"

Umiling sya at ikiniskis nalang ang kamay sa kanyang balikat upang maibsan ang lamig

"Sige na po .. kailangan ko po syang makausap .. kung wala po sya okay lang po ako dito sa labas hihintayin ko sya"

"Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para di na maghintay
Sabihin mo na kung aayaw ka na
Para lang malaman ko
Hmmm..."

"Teka sino ka ba iha? "

Asawa po nya
"Kaibigan po ... hmm may sasabihin lang po ako sa kanyang importante"

Bumakas sa mukha ng matanda ang lungkot "naku iha nagsasayang ka lang ng oras .. umalis kasi sya eh madaming dalang damit hindi nga din alam ng mommy nya kung san sya pumunta ilang araw nadin syang hindi nagpaparamdam .nagaalala na nga ang mga magulang nya eh"

"Po ?"
Naiiyak nyang sabi ngunit kahit pumatak na ang luha nya hindi naman yun mapapansin dahil sa lakas ng patak ng ulan na tumatama sa kanya

"Pero ang rinig ko kasi ay pumunta ng states si sir ... kaya kung ako sayo umalis ka na din kasi mukhang di na babalik yun"

Napasapo sya sa kanyang mukha bago napailing "hindi po baka babalik din po agad yun .. hihintayin ko sya dito please .. "

"Pasensya na talaga iha .. sige na umalis ka na .. baka magkasakit ka"

Sunod sunod ang luha na bumagsak sa kanyang mga mata wala syang nagawa kundi ang mapaupo sa semento napasapo sa kanyang mukha

"Daniel ...."
Napatingin sya sa bintana kung saan ang kuwarto ni daniel

"Daniel .... please ... kailangan kita"

"Daniel !!!! Please lumabas ka dyan !!"

"Dj !! Please kausapin mo ako!"

"Naririnig mo ba ako?
Sigaw ko ba'y walang tinig
Nakaya kong walang imik
Naririnig naman ako"

"Love ... wag naman ganto oh !! Please !!"

"Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para di na maghintay
Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para lang malaman ko
Hmmm..."

Napailing sya bago huminga ng malalim at napatingin sa sariling refleksyon sa tubig sa semento

"Love we need to talk.. please..."

"Iiyak na lang...
Iiyak na lang...
Bakit wala ka pa?
Naririnig naman ako"

"Love please .... I need you ...please talk to me"

"Love nasan ka na ba??"

"Mahal na mahal kita daniel kausapin mo naman ako please!"

"Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para di na maghintay
Sabihin mo na kung aalis ka na
Para lang malaman ko"

BAKA SAKALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon