Kabanata 1-5

6K 13 2
                                    

El Filibusterismo Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta

Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.

Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga tao sa Maynila, na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral.

Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y naglalakbay ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng ilog Pasig.

Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.

Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik.

Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil nadidiri siya sa balot.

Talasalitaan

Garote – bitayan na ang isang lubid na nakasilo sa leeg ng bibitayin ay napipilipit ng isang pamihit sa likod ng bibitayin hanggang mamatay sa sakal
Kubyerta – bahagi ng bapor
Pagpugay – paggahasa, pang-rape
Pagtutsada – pagmumura nang may paghamak
Panukala – mungkahi, balakin
Paring regular – uri ng pari, kasama sa orden o korporasyon
Paring sekular – uri ng pari, karaniwa’y Pilipino na walang kinasasapiang samahan o orden
Tandisan – tuwiran, harapan
Tikin – mahabang payat na kawayan na ginagamit sa pagpapatakbo ng sasakyang-pantubig sa pamamagitan ng mga bisig
Uldog – pari, prayle

El Filibusterismo Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta

Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng gamit at mga kargamento ay doon din matatagpuan kaya naman masikip masikip sa lugar na iyon para sa mga pasahero.

Naroon sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay nang manggamot, at si Isagani na isang makata at katatapos pa lamang sa Ateneo.

Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre Irene na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw.

Napunta naman ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante tungkol sa pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio ay hindi raw ito magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang binata. Maya-maya pa’y lumayo na si Kapitan Basilio.

Noo’y napag-usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin ni Donya Victorina. Ipinahahanap ng Donya kay Isagani ang kanyang asawa na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay nasa bahay pa ni Padre Florentino na amain ng binata, nagtatago.

Ilang sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Agad na ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.

Ani Simoun, hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio dahil ang kanilang lalawigan ay mahirap at di makabibili ng alahas.

Tinutulan naman ito ni Isagani at sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil hindi naman nila kailangan. Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang lalawigang nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.

Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa ngunit ito’y tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi umano ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at hindi ng serbesa.

El FilibusterismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon