Kabanata 31-35

1.4K 0 0
                                    

El Filibusterismo Kabanata 31 – Ang Mataas na Kawani

Hindi nabalita sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Huli. Ang tanging nabalita sa tulong ni Ben Zayb ay ang kabutihan umano ng Heneral. Nakalaya na sina Makaraig at Isagani at tanging si Basilio na lamang ang hindi.

Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw ito at malapit nang matapos sa panggagamot. Lalo lamang napahamak si Basilio dahil bawat sabihin ng kawani ay panay ang tutol ng Heneral.

Dapat daw ay magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Pinagbintangan si Basilio ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina.

Ayon sa Kawani ay dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa lamang ang Heneral dahil wala umano siyang pakialam sa bayan sapagkat ang naglagay sa kanya sa pwesto ay ang bayang Espanya at hindi ang bansang Pilipinas.

Kapag itinanggi umano sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ay ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.

Pagkaalis ng Kawani makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw ito sa tungkulin at nagsabing siya’y uuwi na sa Espanya lulan ng kasunod na bapor.

Talasalitaan

Katampalasanan – kalupitan
Koreo – sulat
Lakayo – komikero (clown)
Padrino – ninong
Umalingawngaw – magkalat ng balita

El Filibusterismo Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil

Dahil sa mga nangyari sa mga mag-aaral ay hindi na nagpaaral ng mga anak ang mga magulang.

Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at sa kanilang kurso. Hindi man nakapasa ay ikinatuwa pa rin iyon ni Tadeo at sinunog pa ang kanyang mga aklat. Hindi rin nakapasa sina Makaraig, Pecson, at Juanito Pelaez.

Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagmadali namang pumunta sa Europa si Makaraig. Sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si Basilio naman’y hindi pa nakakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan pa. Sa bilangguan na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli. Sa tulong ng kutserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya ay nalaman niyang lahat ang mga pangyayari.

Samantala, ayon kay Ben Zayb ay mabuti na ang lagay ni Simoun. Mamamahala umano ito ng isang piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na nakuha ni Don Timoteo Pelaez sa murang halaga.

Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na usap-usapan ng iba na pinakisamahan na niya. Ilang linggo lang ay nabalitang ikakasal na si Juanito kay Paulita. Bagay umano ang dalawa dahil pareho silang walang isip at makasarili.

Buwan na ng Abril at limot na ang mga pangamba. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal nina Juanito at Paulita. Isang bagay lang ang pinagkakaabalahan at iniisip ng ilan, ang makipagkaibigan kay Simoun at Don Timoteo Pelaez para maimbita sa kasal.

Ninong daw ang Kapitan Heneral sa nalalapit na kasal at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito.

Talasalitaan

Bilangguan – piitan, bilibid
Bitayan – entablado
Hukom – tagahatol
Mabimbin – maantala
Mapawi – maparam, kumupas
Pagsalakay – paglusob
Palugid – pagpapaurong sa parusa
Talumpati – panayam

El Filibusterismo Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid

Maaga pa ay inayos na ni Simoun ang kanyang mga hiyas at armas. Araw na ng kanyang pag-alis at sasabay na siya sa Kapitan Heneral. Naniniwala ang marami na hindi magpapaiwan si Simoun dahil baka marami ang mga taong galit at maghiganti sa kanya o kaya naman ay pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.

El FilibusterismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon