Kabanata 16-20

2.9K 8 0
                                    

El Filibusterismo Kabanata 16 – Ang Kasawian ng Isang Intsik

Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa kaya siya ay naghandog ng isang hapunan. Dumalo ang mga tanyag na panauhin kabilang na ang mga kilalang mangangalakal, mga pari, mga militar, mga kawani ng pamahalaan pati na din ang kanilang mga suki.

Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga sa kanyang utang na nagkakahalaga ng siyam na libong piso. Nalulugi daw ang Intsik kaya hindi makakabayad sa mag-aalahas.

Inalok siya ni Simoun na babawasan ng dalawang libong piso ang utang kung papayag umano si Quiroga na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.

Wala daw dapat ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitan namang sumang-ayon si Quiroga.

Samantala, ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.

Ang grupo naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

Talasalitaan

Bulalas – pahayag
Consulado – ukol sa gawain ng konsul
Kapighatian – kahirapan, kalungkutan
Konsul – isang tao na ipinag-utos ng pamahalaan na naninirahan sa ibang bansa para maging kinatawan ng kanyang bansa.
Kopa – goblet
Nakahuhughog – nakasasaid
Nanduduwit – nangunguha
Paghahamok – labanan, away
Piging – handaan, kainan
Pulseras – bracelet
Sikolo – 25 sentimo
Tsampan – kumikislap na alak (Champagne)
Walang kapangi-pangimi – malakas ang loob

El Filibusterismo Kabanata 17 – Ang Perya sa Quiapo

Pumunta sa peryahan sa Quiapo ang labindalawang galing sa bahay ni Quiroga. Patungo sila sa kubol ni Mr. Leeds.

Ikinatuwa ni ng makamundong pari na si Padre Camorra ang mga nasasalubong nilang magagandang dalaga lalo pa ng makita niya si Paulita Gomez na kasama ng kanyang tiya na si Donya Victorina at ni Isagani na nobyo ng dalaga. Naiinis naman si Isagani sa bawat tumititig kay Paulita.

Dumating sila sa isang tindahan kung saan maraming makikita na estatwang kahoy. Ang isang estatwang mukhang mulato ay kinilala nilang si Simoun dahil sa parang pinaghalong puti at itim ito.

Wala roon ang mag-aalahas kaya’t napag-usapan nila ito. Ani Padre Camorra, baka daw natatakot si Simoun na pagbayarin nila sa pagpasok sa peryahan.

Wika naman ni Ben Zayb, baka natakot si Simoun na matuklasan nila ang lihim ng kanyang kaibigan na si Mr. Leeds.

Talasalitaan

Galaw – kilos
Kalantiriin – inisin
Katog – tunog
Kinamumuhian – kinagagalitan, kinaiinisan
Kkutsero – ang nagkokontrol sa kabayo
Liwasan – parke, plasa
Mabunggo – maumpog, mabangga
Namimirinsa – namamalantsa
Prinsa – plantsang bilog na ang ginagamit na painit ay uling o kahoy.

El Filibusterismo Kabanata 18 – Ang mga Kadayaan

Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin. Isa siyang Amerikano na magaling magsalita ng Kastila dahil sa matagal na namalagi sa Timog-Amerika.

Bago naman magsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben Zayb at hinanap ang salamin na maaring ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya. Ito naman ay may pahintulot ng Amerikano ngunit walang natagpuang salamin si Ben Zayb.

El FilibusterismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon