Hindi kami legal sa parents niya kaya may mga panahon na ilan buwan kami hindi nakakapag kita. Kaya ako sa sobrang desperado makita ang pinakamamahal ko tuwing nag mamall sila malapit sa akin pinupuntahan ko agad yung mall na yun. Alam kong di ako makaka lapit pero yun lang ang tanging paraan upang makita siya. Unang ginawa ko to nung nasa SM North sila. Kasama niya mommy niya at daddy niya nun. Hindi pa alam ng dad niya about samin nung panahon na yun kaya ayos lang na makita nila ako. May time pa na tinabihan ko dad niya habang nag hihintay siya sa kanila. Pag labas niya ng cr kitang kita ko yung ngiti niya abot tenga. Sobrang gulat siya sa ginawa ko pero nakakalungkot lang dahil hindi kami pwede mag usap. Habang nag lalakad sila nasa nasa kabilang side lang ako tinatanaw ko ang aking girlfriend onting ngitian lang dahil baka makahalata parents niya. Naka takas siya saglit kaya nakapag usap kami ng ilan minuto after nun umuwi na din ako at sila din. After ilang buwan nangyari uli ito sa Up town center biglaan sila pumunta dun para mag celebrate ng occassion kaya ako grab agad ng chance para makita siya. pag dating ko tinext ko siya ng " I C U " kumakain sila nun tapos ako nasa labas ng restaurant tinitignan lang siya. Naulit uli yung pag sunod ko lang sa kanila hanggang sa sila makauwi. Magkasama nga kami sa iisang lugar, nag kaka kitaan pero tanging cellphone lang ang gamit para makapag usap