[Prologue]
Masaya akong namimitas ng mga puting rosas ng maaninag ko si Aries.
Bahagya siyang nakayuko sakin at saka ngumiti."Angel Avien pinapapunta po kayo ni Angel Jacob."sabi niya pa sakin.Ngumiti ako sakanya at bahagyang tumango."Sige,pupunta na ako roon."sabi ko.
Ngumiti ulit si aries bago siya umalis.Tiningnan ko ang mga rosas na pinitas ko."Sana...Maibigay ko ito sakanya."bulong ko.
--
"Angel Jacob pinapatawag niyo raw po ako?"sabi ko nung nakaharap ko ang may pinakamataas na ranggo sa lahat ng mga anghel.
"Maupo ka muna."
Sinunod ko naman ang iniutos niya at saka kinunotan siya ng noo."Ano po ang sasabihin niyo sakin?At pinapunta mo ako rito."tanong ko.
"Angel Avien ikaw ang napili ng panginoon na pababain sa mundo ng mga tao para magawa mo ang iyong nakatakdang misyon."
Agad akong nagtakha.Sa dina dinaming anghel dito bakit ako pa yung napili ng panginoon?
"Kailangan mong hanapin ang lalaking nagngangalang Ryone Bueno.At kailangan mo makuha sakanya ang mahiwagang aklat ng mga anghel."
Mas lalo naman akong nagtakha.Paano naman napunta sa isang mortal ang aklat ng mga anghel?Ang aklat ng mga anghel ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol saamin at mga batas at layunin namin.
"Po?Paano po napunta sakanya ang libro kung ang panginoon naman ang may ari nito?"
"May isa tayong taksil na anghel dito at ninakaw niya ang libro."sagot ni Angel jacob.
Nakakapagtakha talaga paano naman nakapasok ang mga taksil rito sa lugar ng mga anghel?Hindi naman nakakapasok dito ang makasalanan..
"Hindi ko na papapataasin ang paguusap nating ito.Kailangan mo nang makababa sa mundo ng mga tao at gawin agad ang iyong misyon para matapos agad ito."sabi niya.
Tumayo ako at bahagyang yumuko sakanya bilang paggalang."Masusunod po.Ngunit paano ko po malalaman kung sino yung taong hinahanap ko eh hindi ko alam yung itsura niya."sabi ko.
Ngumiti lamg siya sakin at "Diskarte mo na yun kung paano mo hahanapin at kunin ang libro at paano hahanapin ang lalaking yun."sagot niya.
Napakamot nalang ako sa ulo at nagpaalam na.Pagkalabas ko ay dumeretso agad ako sa isang balon at tumingin sa ibaba dun.
"Phew.Go Avien kailangan mo itong gawin para magtagumpay ang misyon mo."pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Kung alam niyo lang kailangan kong tumalon sa balon na toh para makapunta sa mundo ng mga tao.
"Who!Chillax avien kaya mo toh!Fighting!"
Umakyat ako sa balon at saka nagsign og the cross.
"Eto na talaga."
Pinikit ko muna yung mata ko at kahit kinakabahan ako ay tumalon nako.
"Ako si Angel Avien Archer ang napili ng panginoon para mahanap ang libro ng mga anghel at maisuli ito sakanya.At ang mahanap ang lalaking nagngangalang Ryone Bueno na hindi ko man alam kung saan ito nakatira o ano ba ang itsura nito."