Ulan
Ulan ang saksi sa ating pag-iibigan
Dahil sa ulan ay nagkakilala tayo ng lubusan
Kaya kapag umuulan ay nasisiyahan ako nang lubusan
Ngunit bakit ulan din ang dahilan kung bakit ako nasasaktan?
Bakit sa tuwing umuulan ay may kung anong kirot akong nararamdaman?Pero ngayon alam ko na.
Alam ko na kung bakit kumikirot itong puso sa tuwing umuulan.Dahil ang ulan rin pala ang saksi sa di natin matuloy-tuloy na pag-iibigan,
Dahil ang ulan rin pala ang saksi sa ating pinagdaanan.
Mga mahihirap na ating pinag-daanan.
Masakit man isipin ngunit ito ang katotohanan..
Katotohanang kahit ilang siglo pa ang lumipas ay 'di talaga tayo magkakatuluyan.
Kaya ngayong bumitaw ka na ay 'di na kita pipigilan pa.
Dahil kung pipigilan pa kita ay parehas lang natin pahihirapan ang isa't-isa.
Na ang pag-iibigang ito ay mali na sa simula palang ng ating istorya.
Kaya hanggang sa huli nating hininga ay parehas natin babanggitin ang mga salitang "Paalam na sinta... Mahal na mahal kita"