Dreaming Of You

8 0 0
                                    

                               *Chapter 1: First day of school*

Adrian's POV-->

''Oh?! Sorry!'' Dahil baguhan ako sa school na 'to, tinutulak-tulak lang ako ng mga tao dito. Wala manlang akong kaibigan. Walang gustong kumausap saken. Walang pumapansin saken. Siguro dahil 'Nerd' daw ako. Ako nga pala si Adrian Jasper Lopez. Scholar ako dito sa St. Verna University. Sabi nila, panget na nerd daw ako. Ang kapal-kapal ng salamin ko, may mahabang medyas, maikling pantalon, up and down na braces, at higit sa lahat baduy na hairstyle. Araw-araw ko yang naririning sa mga kaklase ko sa former school ko. Kaya kung tuksuhin man ako dito, sanay na sanay na ang mga tenga ko sa mga panlalait nila. "Hi Briana!'' pag bati ng mga ka-schoolmate ko nung may dumaan na babae sa harap ko. Ang ganda nya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagandang babae. Mukhang pamoso sya dito sa school ah. Kaso, hindi naman nya ako magugustuhan kasi nga 'Panget na nerd' ako. Naglakad na ako sa may shed upang tingnan ang room number at section ko. Room 4-A ang room ko. Haay, sana mababait ang mga tao doon. Kaso... ''Boooooo..'' pagpasok na pagpasok ko pinagbabato na agad ako ng mga papel ng mga kaklase ko. Buti nalang at dumating na ang aming teacher para awatin sila. Umupo nalang ako sa pinakalikod habang pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko. Paglingon ko sa may pinto, nagulat ako dahil nakita ko yung babae kanina na maganda sa pumasok at tumabi saken. Dahil yun nalang ang bakanteng upuan. Pasimple akong tumitingin-tingin sa kanyang mala-anghel namukha. Napakaamo ng mukha nya. Ang puti-puti, tapos may kissable lips. Napatingin sya saken dahil mukhang napanisin nyang tumitingin ako sakanya. Nginitian nya lang ako. Pero, ano 'tong nararamdaman ko. Pinagpapawisan ako at nanlalamig ang kamay ko. Nakita ko syang napatawa. ''Oh. Ba't ka nagblush?!'' ''Ah,Eh siguro dala ng init yan.'' palusot ko naman. Nakakailang gumalaw sa upuan ko.. Haaay. Anu ba'to mukhang nagkakagusto na ako sakanya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa babae.

Briana's POV-->

Haay, super init naman! Pagpasok ko sa school, narining ko na ang lahat na bumati saken. Medyo kilala kasi ako dito kasi isa ako sa dancer dito sa school at pinanlalaban sa mga academic contests. Pagdaan ko, nakita ko ang isang lalaking may makapal na salamin. Natatawa na nga ako pero baka mapahiya sya kaya hinayaan ko nalang. Agad na akong pumunta sa shed para tingnan ang section at room number ko. Ako nga pala sa Briana Ysabelle Belmonte. Pag dating ko sa room nakita ko ang isang bakanteng upuan para sakin sa likod. At nandun yung lalaki kanina katabi nung upuan. Wala nanman akong choice diba kung hindi umupo nalang. Nakakatawa talaga ang itsura nya. Tahimik lang ako nang mapansin kong tumitingin sya saken kaya nginitian ako sya. Hahaha nagblush pa sya ha. ''Oh. Ba't ka nagblush?'' tanung ko sa kanya na patawa-tawa. Pero ang sabi nya dala lang daw yun ng init. Nanahimik nalang ako at pinabayaan sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon