KRIIIIING* KRIIIING*
" Babe, wake up" gising niya sakin.
Umungot lang ako. "Hey... we're leaving early today. " malambing na sabi niya.Pag dilat ko mukha agad na mala anghel ang bumungad sakin, napaka gwapo talaga ng nilalang na nasa harapan ko ngayon. Paano ko ba to nabihag? Hahaha
" Tara na, I already made breakfast" napangiti nalang ako, bat ba napaka sweet niya? Hahahaa ang swerte ko.
Kumain na kami at nag handa, aalis pa kasi kami ni Kurt and we need to leave at exact 11 para makarating ng maaga sa Vacation House nila sa Batangas. So I packed my things and his, then umalis na kami.
-----------------------------------
Nakarating kami ng maaga, halos mag o one palang ng hapon. Tumingin ako kay Kurt at nakita ko siyang amaze na amaze sa view, maganda naman kasi talaga lalo na yung reflection ng araw sa dagat.
"Claire, ang ganda dito no? " sabi niya sabay akbay sakin. Nginitian ko naman siya at tumango. Sobrang ganda, sobrang perfect parang hindi na totoo.
Nag ayos na kami at nilagay na yung gamit namin sa villa nila.
Dahil excited ako, sinuot ko yung color red ko na Swim suit para asarin si Kurt"Claire Magpalit ka now na!" hahaha diba naasar agad, napaka conservative naman kasi nentong si Kurt. Bumalik nalang ako sa banyo para magpalit ng Rash guard.
"Claire, baby let's go! " sabi niya, so pumunta na kami sa beach. Nung malamit na kami sa tubig hinalikan ko siya sa pisngi at biglang dumila at saka tumakbo, hinabol niya naman ako.
"Andyan na ako! " sigaw niya at bigla akong niyakap at saka kinarga. Natatawa lang ako, sana ganto nalang kami lagi. Ang saya, sobra.
Nagulat ako at bigla niya akong hinagis sa tubig, pagkatayo ko ay binasa ko rin siya. Naglaro lang kami hanggang sa mapagod kami at napahiga nalang sa buhangin.
"Claire... " napatingin naman ako sakanya.
"Claire...." ulit niya "mahal na mahal kita, sobra. Sana wag na wag kang magsasawa sakin ah? Sana wag mo akong iwan." dugtong niya pa, tumango naman ako at tinitigan lang ang kanyang mukha nang namalayan ko nalang na may natulo ng luha galong sa aking mga mata. Dahil sa saya, Mahal na mahal ko tong lalaki na to. Niyakap ko siya at--
Booghs!!
nagising ako mula sa aking panaginip dahil sa malakas na pagbukas ng pinto sa sala, nandito na siguro si Kurt. Lumabas ako at pumunta sa kusina, lasing nanaman siya. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at lumapit sakanya.
"Ikaw nanaman na walang kwenta?! " sigaw niya sakin, napayuko nalang ako. Kinuha niya yung baso na may tubig at biglang binato saakin. "Wag ka ngang haharap sakin na bwiset ka! Wala kang kwenta! " nakayuko parin ako tinitignan ang paa ko na puro dugo, nabasag yung baso na binato niya sakin.
Nanahimik lang ako sa kanyang harap, nagulat ako ng bigla niya akong tinulak at mas lalo ko pang natapakan yung basag na baso pero ininda ko yun at hindi umimik "WALA KANG KWENTANG PIPE KA! bat pa ba kasi kita napangasawa?!? perwisyo ka lang naman sa buhay ko! "
Tumingin nalang ako sakanya at saka ngumiti pilit na iniisip yung mga masasayang ala-ala naming dalawa, umalis ako at kumuha ng basahan atsaka ng walis para linisin yung nagkalat na bubog. Pag tingin ko sakanya ay tulog na siya sa Sofa.
Mahal na mahal rin kita Kurt, at wag kang magalala kasi hinding hindi ako magsasawa sayo kahit na nagbago ka na at hinding hindi kita iiwan dahil mahal na mahal kita. Alam ko balang araw magbabago ka at babalik karin katulad ng dati.