- 09

2.1K 127 127
                                    




"Seth!" Hinabol ni Jasper si Seth palabas sa sauna.


"What?" Seryosong sabi ni Seth habang magkasalubong pa yung kilay.



"What was that?" Tanong ni Jasper. At ibinaling lang ni Seth ang tingin sa dagat. "I just got bored in here so, I decided to go back to the Hotel." Sagot ni Seth.


"Really? Seeing you walkout like that, you seems Jealous." May halong asar na pagkakasabi ni Jasper.


"Jealous? With who? Stop making me laugh, Jasper Hyung." Medyo natawa ng bahagya si Seth sa pagkakasabi. Tinapik naman ni Jasper ang balikat ni Seth.


"Stop denying." Ani ni Jasper. "Lets go back, ikaw lang wala kung aalis ka." Nakangiting sabi ni Jasper.



"Don't want to—"


"Nagseselos ka nga." Nakangising sabi ni Jasper. Napatingin naman sakaniya si Seth.



"I told you, I'm not!" Medyo sigaw na pagkakasabi ni Seth. "If you're not, lets go back inside." Pagpupumilit ni Jasper kay Seth.


"Minsan na lang tayo magbonding ulit kasama sila Kevin, wag kang killjoy." Hinila ni Jasper papasok si Seth at wala na siyang nagawa.



Naabutan nila Seth ang buong tropa na nakaupo sa sahig at nakapa-bilog ang upo. Napansin naman sila agad dahil tinawag agad ni Hani si Seth.



"Bakit ba nagwalkout ka? Halika dito! Maglalaro tayo ng fold your finger." Masayang sabi ni Hani at hinila ang kapatid paupo sa tabi niya. Ang bakanteng upuan na katabi mismo ni Baekhee.



"Ayih keleg." Nakangising sabi ni Jesper at sinandal pa ang ulo sa balikat ni Kevin habang nakayakap sa braso nito.



Tahimik lang si Seth at hindi nagsasalita si Baekhee. At dahil nagiging awkward, siniko na ni Jongsoo si Daemin at inagaw naman agad ni Daemin ang atensyon ng buong tropa. Nandito din si Third, dahil naging close na rin nito si Daemin at si Baekhee, pati ang buong tropa except Seth.



"Oh, game na. Itataas niyo lang yung right hand niyo, tapos pag nagsabi ng nagawa o gustong gawin, ang gagawin lang ifofold yun. Ang unang makatiklop ng kamay, taya at kailangan may punishment, okay na ang truth or dare dun." Paliwanag ni Daemin.



"Be honest ah? Walang secret secret." Dagdag ni Jongsoo. "Okay, Game!" Ani ni Kevin at isa isa na silang tinaas ang kamay.



Seryoso at nagkakatinginan sa isa't isa.



"Here we go," pagsisimula ni Daemin. "Fold your finger kung nagkaroon na ng boyfriend or girlfriend?" Tanong ni Daemin.


Una nagkatinginan pa, pero unang nagtiklop ng isang daliri si Kevin.



"NAGKAGIRLFRIEND KA?!?" Tanong ni Jesper kay Kevin. Halos mabingi si Kevin sa sigaw ni Jesper sakaniya. "Well, hindi naman mawawala yan. During middle school." Pagaamin bi Kevin kaya umacting na hinimatay si Jesper pero bumangon din.


"Pagbibigyan kita sa pagkakasala mo, ako naman ang magiging last person sa bohai mo, Sempai hihi." Halos masuka sila Jongsoo.



Isa pang nakatiklop ang isang daliri si Hani. "Parang di ko alam na nagkaboyfriend ka?" Tanong ni Daemin at napairap si Jongsoo.



"Nagkaboyfriend yan, One minute lang." Natatawang sabi ni Jongsoo at hinampas naman siya ni Hani sa braso. "PUKIRAT KA KAILANGAN BANG SABIHIN YUN?!" Bulyaw ni Hani.


message request ii • exo Where stories live. Discover now