- 46

1.8K 121 210
                                    



"Halmoniiiiiiiii!!!!!!" Agad na sinalubong ng yakap ni Baekhyun ang lola niya. Napangiti naman ang matanda at ngumiti sa mga kasama ni Baekhyun.


"Aigoo! Baekhyunee!" Masayang ani ng lola ni Baekhyun. "Mabuti at naka-dalaw kayo rito, marami akong pagkain na inihanda at sabi mo nga na kasama mo ang mga kaibigan mo." Dagdag ng lola ni Baekhyun.


"Halmoni, How are you?" Nakangiting sabi ni Chanyeol at nginitian naman siya ng lola ni Baekhyun. "Aigoo! Chanyeol, ayos lang ako. Ikaw ba? Asan nga pala ang mga apo ko?" Tanong ng lola ni Baekhyun.

"Ay nako, Halmoni. Iniwan sa bahay at sabi ni Junmyeon hyung na reunion lang namin." Sagot ni Baekhyun at tumango naman si Chanyeol atsaka ngumiti.


"Ahjumma!" Nagmamadaling pumasok si Yixing sa bahay nila Baekhyun at hinarap ang lola ni Baekhyun.


"Sino ka ba ihjo?" Nakakunot na noo na sabi ng lola ni Baekhyun kay Yixing.


Napakamot ng ulo si Yixing at nahihiyang ngumiti. "Ahjumma, Yixing po." Sagot ni Yixing. Napangisi naman ang lola ni Baekhyun at tinapik ang balikat ni Yixing.


"Ah! Si Yixing! Apo! Natutuwa ako na makita ka!" Ani ng lola ni Baekhyun at nanliwanag naman ang mga mata ni Yixing at agad na niyakap ang Lola ni Baekhyun.


"Ako rin po! Ahjumma!" Tuwang tuwa na sabi ni Yixing habang yakap yakap ang lola ni Baekhyun. Dumating naman agad si Junmyeon at napangiti.


"Hello po, Mrs. Byun." Pagsisingit ni Junmyeon. Napatingin naman sakaniya ang lola ni Baekhyun. "Suhu!? Ikaw ba yan? Suhu!?" Ani ng Lola ni Baekhyun at napahagikgik naman sila Baekhyun.


"Nay naman, Junmyeon na lang ho. Kayo talaga," nakangiting sabi ni Suho. "Ah, Eto po pala. Pasalubong ko sainyo. Galing pang Switzerland yan." Nakangiting inabot ni Junmyeon ang isang lata na kulay ginto.


"Ano ito?" Nakangiting ani ng Lola ni Baekhyun. Napangiti si Junmyeon. "Nasabi po kasi ni Baekhyun sakin na mahilig kayo sa sweet candy rolls, napadaan po ako sa isang market sa Switzerland at naisip ko po kayo. Kaya ayan ho." Paliwanag ni Junmyeon. Natuwa naman ang lola ni Baekhyun.


"Sipsip kang bakla ka." Bulong ni Kyungsoo na nakakadating lang. Inirapan lang siya ni Junmyeon at agad na ngumiti ulit.



"Salamat! Suhu--Junmyun!" Nakangiting ani ng lola ni Baekhyun at napangisi na lang silang lahat.


Inimbitahan naman agad ng Lola ni Baekhyun ang mga bisita nito. sa isang Mesang mahaba, nakaupo ang lahat. Masayang nagkwe-kwentuhan habang kumakain ng tanghalian.



Isang tawag ang natanggap ni Tao mula sa anak na si Kevin. Nagexcuse siya at kinausap ito.



"Hello, Kevin?" Sagot ni Tao mula sa linya.


[ Hello? Mom. Thank god you finally answer it. ]


"Naka-silent yung phone ko, nandito na kami sa bahay ng Lola ni Baekhyun, dito kami ngayon sa gyeongi at 4 days yun, ikaw magiingat ka dyan ah?" Ani ni Tao sa linya.


[ 4 days? Ang tagal naman? Anyways, I'm with Mia. Hindi ko macontact si Tita Junmyeon. Mom, Can you do a favour for me? ]


"Ah ganun ba? Akala ko lumipad na sa China yang si Mia? So. Ano yung kailangan mo anak?"


[ Paki-tanong kay Tita Junmyeon kung kukunin ko ba sa bahay nila yung pinapaayos niyang papers para sa shares sa company? Badly need it before we go to Spain. ]


message request ii • exo Where stories live. Discover now