[LP 1] Emerald

39 4 8
                                    

Chapter 1

Emerald

Hindi ako naniniwala na pwedeng ma-inlove ang isang teenager. Pwede, but its not what you call "true love" Para sa akin, dahil lang ito sa mindset. Posible nga ang "false pregnancy" dahil nasa mindset ng girl na buntis siya --- false love pa kaya?

***

My tears are flowing on my cheeks. I felt a sudden pain in my head. My hands were soaked with blood.

"Kuya! Kuya Wayne! Tulong! Kuya! Masyadong masakit!" I kept on shouting to call for his help. He was just staring at us. Tiningnan ko ang mata niya but all I could see is anger. Anger for what?

Nakita ko ang ate ko na napahiga bago dumilim ang paningin ko.

***

Napabalikwas ako sa kama ko. Inilapat ko ang kamay ko sa noo, maraming pawis.

My horrible past keeps on haunting me.

"Em! Come down!" sigaw ni Kuya mula sa baba.

I did my morning rituals and went down. "Em, kumain ka na," sabi ng bangko ko. De joke, sabi ng oh-so-beautiful-and-fabulous mom ko. I stared at her and nodded.

Pero imbes na umupo pa at makisalo, I just decided to grab some bread dahil trip kong mag-diet ngayong araw.

"Miss Emer--" pinutol ko ang sasabihin ni Kuya Berto. "Em nalang po Kuya. Mas matanda naman po kayo sa akin." napangiti si manong at tumingin siya sa akin. "Ang bait mo talagang bata ka! Sige, sumakay ka na, baka ma-late ka pa.

Habang bumabiyahe kami biglabng tumunog ang cellphone ko.

From Sammy:

Emerald dela Cruz! Yuhoo. Dala mo ang mga chocolate?

Binuksan ko ang zipper ng handbag ko to check my stuff.

To Sammy:

Yep.

Napangiti naman ako dahil sa ugali niya. Baboy talaga yun kumain, hindi naman tumataba! Parang naglilihi lang na buntis kung kumain eh!

When the car arrived the school, nagpasalamat muna ako kay Kuya bago bumaba.

Marami nanamang sumusulyap-sulyap kahit saan. Merong mga nagyayabangan. Nagpapasikat ng mga new things "daw" nila. Typical everyday scene at Silverborne Colleges. Estudyante yan eh!

"SIS!" Dumako naman ang tingin ko kay May na naka-jeans at shirt na tumatakbo na parang lasing na track-and-field runner. Harsh! Tsktsktsk. Bawal sugarcoating sa point of view ko eh!

Well, may pumatid nanaman sa kanya kaya nadapa siya. Tumingin naman ako sa paligid para tingnan kung may mabuting-loob na tutulang sa kanya na tumayo. Pero, like always, wala nanaman.

Well, siguro mas magugulat ako kung may tutulong. I mean, in the modern times kasi, well, to be honest, nawawala na ang spirit of helping ng mga Filipinos. Hindi naman sa nawawala. Hindi naman lahat pero parang lahat na dahil parang nahihiya na tayong tumulong dahil dun sa mga nantutukso pag tutulong ka. Well, it's hard to admit but true.

Tiningnan ko ang gumawa nun sa kanya ng masama. Napayuko naman ang babae at namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Gosh! Ikaw na nga ang nanakit at pumatid sa best friend ko, ikaw pa may ganang umiyak. Hay nako.

Tinulungan ko si May na makatayo. "Heh. Mga insecure talaga. Tulungan mo nga akong hanapin ang eyeglasses ko Emmy," I nodded at her at sinimulan ko na itong hanapin.

Love's Power (will not be continued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon