“You are more beautiful, when smiling..”
- Mr. Smile
Napangiti nanaman si Micka sa kanyang nabasa. Maaga siyang pumunta sa locker para maabutan niya si Mr. Smile, pero sa kasamaang palad, wala nanaman siya.
Bigo nanaman siya.
Kinuha na lamang niya ang ilang mga letters na nasa locker niya, halos naka-limang balik siya sa garbage can papuntang locker, sa dinami-dami nito ay isang sender lamang ang kanyang gustong basahin. At ito ang dahilan kung bakit ang tamis ng kanyang ngiti, sa tuwing papuntang locker na siya.
Nasa may tapat muli siya ng kanyang locker at sinuri kung may iba pa bang letters na nakalagay. Nang masuri ito na wala na, sinara na muli ang locker. Tiningnan niya muli ang letter na nasa kanyang kamay, napabuntong hininga na lamang siya pero ngumiti rin sa kalaunan. “Magkikita rin tayo, Mr. Smile..” sabi niya at inipit niya muna sa notebook ang letter. Muli siyang naglakad patungong classroom, 7:00 am pa ng umaga, kaya may thirty minutes pa siyang magpahinga muna sa classroom.
Iilan pa ang mga estudyante ngayon, dahil masyado pa naman kasing maaga para sa flag ceremony nila. Sa kanyang paglalakad, may ilan ding tumatawag sa pangalan niya. Ngititian lamang niya ito at lalakad patungong destinasyon niya. Ramdam din niya na may iilan pang mga mata ang sinusundan siya ng tingin, pero, kibit balikat lamang siya doon.
Pagkapasok niya sa room, agad niya tinungo ang kanyang upuan. Nasa may gilid ito ng bintana, kung saan makikita lang din niya ang kabilang building na matatanaw lang din sa kanyang mata ang locker room nila.
Simula first year ay palagi ng nagpapadala si Mr. Smile ng mga letters sa kanyang locker, noong una pa nga ayaw niya itong basahin dahil baka pareho lang ito sa iba na nagsusulat lang na hindi man lang niya ma-appreciate. Sanay na siya sa popularity na mayroon siya dito sa GJMHS, pero pinili na lamang niyang maging mapakumbaba dahil ayaw rin niya ng popularity.
Hanggang sa, nakuha ng atensyon niya ang isang letter, ang nakalagay pa doon ay, “Whenever you attempt to open it, I want you to smile first..” nakuha nito ang atensyon niya, hindi ito tulad ng ibang letters na nababasa niya na nakakasawa na. Hindi niya namalayan na, nakangiti na pala siya. Pagbukas niya sa letter, isang mensahe nanaman ang nakalagay doon. “You’re the butterfly in my stomach, it tickles me whenever you’re around.. – Mr. Smile” napailing siya matapos niya iyong basahin. It made her day, really. Nainspire siya doon, kaya simula noon ay hinahanap-hanap niya ang letter ni Mr. Smile sa kanyang locker.
“Micka, ang aga mo naman..” napalingon naman siya sa kanyang kaklase na kararating lamang, pumunta ito sa kanyang upuan at saka nilapag ang mga gamit. Ngayon lamang niya napagtanto na siya lang pala ang tao kanina sa classroom.
Ganito ba siya ka-excited?
“Ah…” sagot ni Micka at napakamot sa ulo, “Napa-aga lang ng gising, wala rin naman akong gagawin sa bahay e..” pagdadahilan niya at saka ngumiti.
“Ganun?” bahagya pang lumapit ang kanyang kaklase at hinila ang isang arm chair paharap sa kanya. “Teka? May assignment ka na ba mamaya sa Values?” tanong nito ng makaupo na siya sa harapan ni Micka.