"Bro! Feb 14 na bukas!"
bungad saken ng aking bestfriend na si Kyle na tila bang... gutom na gutom na sa siopao na kakainin nya."Oo nga eh bro! akalain mo UNDAS na pala bukas!" nagtawanan kami ni Kyle dahil sa NAPAKABITTER kong joke.
"Bro naman eh! siopao ko yan!" sigaw sakin ni Kyle nang kuhanin ko sa kanya ang kinagatang siopao
"Isang kagat lang! wag kang OA!" sabay kagat sa kinuhang siopao at binigay ito kay Kyle.Kasama ko ngayon ang aking Bestfriend na si Kyle na nakaupo sa isa sa mga bench ng aming Campus, Bro ang tawagan namen. Di ko nga alam san galing yung Bro at naging tawagan naming dalawa eh.
"Wala kang ka date?" Tanong saken ni Kyle. Tinaasan ko sya ng kilay at sinagot sa pinaka sarcastic na voice si Kyle ng, "Wala nga eh... kakabreak lng namin ng ref namin Bro. Masaket Bro! masaket!"
"Loko! bat kaya walang nagyaya sa besprend kong maganda?""Loko ka din Bro! sino naman sa tingin mo ang magyayaya sa mukhang to?!"
"Bakeet? maganda ka naman ah."
Kung di ko lang talaga sya Bestfriend eh. nabugbog ko na tong lalake na to dahil sa kilig, pero instead na magsmile ako. Napasimangot ako, syempre... Magbestfriend lang naman kami ah. Alangan naman ipakita ko sa kanya na gusto ko sya. "Sus! PALIBHASA! BESTFRIEND MO KO! naku KYLE! wag mo nga akong bolahin ngayon."
Hindi naman kasi ako masyadong Maganda, gawwwd maganda daw tulad ng sabi nya. Ako yung tipo ng babae. Na hindi tipo ng kahit ano mang lalake. Ako kase ung may Boyish style. Na kung makasuot ng damit. PARANG LALAKE! t-shirt saka jeans,parang ganun... never mo kong makikitang mag SKIRT! Sorry mga beh! Pero di talaga ako nagsusuot ng skirt. maliban sa Uniform. Ako yung babaeng, LAGING NAKA CONVERSE at mahahalikan ang sahig pag pinasuot mo ng sapatos na may HEELS. At lagi akong naka TALI NG BUHOK! bess! Simpleng simple lang naman ang itsura ko kaya, wala talagang makakapansin sakin.
Hindi problema sakin ang kagandahan, Tanging hiling ko lang naman eh... mapansin ako ng kaisa isang LAB OP MAY DRIMS! pero tingin ko malabo yun, siguro naman kilala nyo na sya. Dahil na nga sa, sinabi ko na kanina.... OO! si Ezykiel Kyle Fernandez de Marcelo Juanito Felipenia sico III a.k.a. Kyle. Siya ang nagpatibok ng puso ko.
PAANO BA NAMAN KASE eh... gwapo, Varsity ng Campus, Matalino, at higit sa lahat Heartthrob, gwapo nga kase! Whooo! kaloka ka bes... kahit ano pang school, subdivision, division kilalang kilala ng mga babae! LALO NA NUNG MGA MAGAGANDA! nakapaligid sa kanya, pero swerte ko ah... naging bestfriend ko sya kahit napakaboyish ko. Paano ba naman pinilit si akezz, Yieeeee haha! anlande ko grabeh.
Pero ok lang... kahit bestfriend nya lang ako, atleast nakakasama ko sya. Saka... KUNTENTO NA AKO.
Grabeh noh? Inlove ako sa BESTFRIEND ko, How cliché right? well wala naman akong magagawa... inlove na ako eh... INLOVE... pero para akong one sided love dito na gustong maka alis sa pagkakafriend zone na to. Haaaaayst...
"Huy! kanina pa akong nagsasalita dito. WALA naman palang nakikinig. Anong problema mo? bat tulala ka? BRO? may sakit ka ba?" Saka lang akong naibalik dito sa mundong ibabaw nang tapikin ako sa balikat ni Kyle.
"H-huh? Walaaa! saka... anong may saket? Baliw ka ba?" Lutang si beshywaps mo. Kakaday dreaming sayo "ANO BA KASI YUN?" galing tumakas! Whoooo!"Sabi ko nga kanina... may gusto akong idate..."
"Yieeeeeee! maglalab layp na si BRO!!"
"Lul!"
Waw! grabe, Inasar ko sya para di mahalata na nagseselos ako. Hayst... May gusto daw syang idate. Sure akong si Mindy yung gusto nyang idate. Alam nyo baket? kase si Mindy, MAGANDUH! also... CHEERLEADER SYA! saka lagi yun nananalo sa mga pageants dito sa Campus. May Beauty na nga May Brains pa, alam kong may crush si Mindy kay Kyle. Saka, pinipilit nya yung sarili nya kay Kyle sa pamamagitan ng pagiging MAGTEXTMATE nila. Tsss... ganda kase nya eh. Naliliitan tuloy confidence ko. Hmpf...
YOU ARE READING
I Like me Better, When I'm with you
HumorIstoryang hindi ka makakarelate... SADLAYP!!!