SULOK

7 0 0
                                    

Konting tulaan muna tayo guys! Ok lang ba?
-MissZMF
--------------------------------------------------------------------
Crush kita simula pa nung una
Una kitang nakilala sa sulok
Sa sulok kung saan ka nagtatago
Parang ako nagtatago, kaya lang, nagtatago ako ng damdamin ko sayo
Sayo na mahiyain nung una na ngayo'y nag-iba na
Nag-iba ka na talaga, pati pakikitungo mo nag-iba
Yan tuloy pati puso ko, parang nagiba
Nagiba kasi iba ka na
Hindi ka na yung dating kaibigan ko na laging nariyan sa tabi ko
Sa tabi ko kung kailan umiiyak ako
Ako, na umaasa na babalik ang pakikitungo mo katulad lang noon
Noon na parang kay ganda ganda
Sa ganda parang di na napansin ang iba, kundi ikaw wala nang iba
Pero ano toh? May kasama kang iba
Paningin ko ay nagbago simula ng makita ko kayong dalawa
Dalawang taong di ko inaasahang magiging ganon
Ah! Ganon pala! Hindi na pala Crush itong sinasabi ng puso't isipan ko,  MAHAL na kita
Pero nakita ko sa aking mga mata
Na pilit na namamalikmata
Tamang tama para sa isa't isa
Isang senyales nalang bibigay natong mga mata
Mata kong pilit na pinipigilan ang pag-patak ng luha
Luha kung saan lahat-lahat ay naroon na
Naroon ang hinanakit, galit, at nasayang na pagmamahal ko sayo
Sayo, aking kaibigan
Oh! Aking kaibigan na di ko manlang matiis-tiis
Pati tong damdamin di na matiis
Teka! Kakain lang ako ng kamatis
Baka sakaling tumamis
Tumamis ang pagmamahal ko sayo
Kaso, pano na to? Mas tumamis yung inyo
Inyong pakikitungo na para bang kanina lang ay pakikitungong kaibigan lang na ngayo'y nagmamahalan na
'Naku! Wag nang umasa! Wala ka nang talagang pag-asa!' Tanging sigaw ng isipan na  pawang pinipigilan ng aking warak na puso
Puso kong nakatiis kakahintay
Hintay ng hintay na magbago ang isip mo
Ano bang iniisip mo?! Maghintay ka lang! Darating ang araw na lalabas ang iba’t-ibang kulay
Pati kulay nyong dalawa mararamdaman nyo
Mararamdaman nyong pumapagibig na pala! Hindi sa iba ngunit sa isa't isa'
Isa nalang talaga! Bubuhos na ang luha, at sasabog na ang utak
Ang aking utak na iniisip kung anong mas magandang gawin
Gawing kasanayan ang mag hintay o Gawing kasanayan ang mawalan ng pag-asa
Maya-maya lang nawala na pala ang paningin ko sa inyong dalawa
Kayong dalawa na kanina lang ay nariyan lang diyan
Diyan! Sa tabi-tabi
Pero parang mas tumabi pa kayo at umiwas na pala saakin
Sa akin na wala nang magawa kundi mapagod kakasilip ng bawat sulok baka sakaling andoon siya
Siya, na ang hilig magtago sa sulok 
Di ko namalayan na bawat sulok ng isipan ko'y sumuko na pala sayo
Ano ang napala ko? Anong magagawa ko?
Eto. Magtago sa sulok kung saan pinilit mo ding itago ang sarili mo.
--------------------------------------------------------------------
Sana BET nyo! MUAH! ♡
-MissZMF
Ps. Sorry. Si owtor busy kaya hindi pa ma publish ang chapter 5. Pero lab ko parin kayo ♡

I Like me Better, When I'm with youWhere stories live. Discover now