Part 21

5.2K 150 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"WHAT do you call this body of water?" magiliw na tanong ni Marc kay Riza nang humantong sila sa isang sapa. Pangatlong araw na iyon ng kanilang pamamasyal. At nakikita naman ni Riza na nag-e-enjoy talaga ang binata.

"Sapa. Doon tayo sa kabilang banda." Nagpatiuna na siyang lumakad sa spot na gusto niyang puntahan. "There. Maupo ka riyan sa may bato. Ilublob mo ang mga paa mo. Ganito." Tinanggal ni Riza ang suot na sandalyas. Naupo siya at inilublob ang kanyang mga paa sa tubig.

"Oh, okay." Mabilis na inililis ni Marc ang suot na pantalon. Tinanggal din ang suot na tsinelas. Subalit halos mailang si Riza nang tumabi sa kanya ang binata. Napansin niya na panay pa rin ang dikit sa kanya. Marc was doing things na sa palagay niya ay napaka-sweet. At apektado siya.

Hindi maipagsasawalang-bahala ni Riza ang bawat sandali sa piling ng binata. Si Marc ang amo pero bakit ipinararamdam sa kanya nito na espesyal siya? Gusto tuloy umasa ng kanyang puso na may pagtingin din ito sa kanya. Lalo pa at tuwing may pagkakataon ay hinahawakan nito ang kanyang kamay. He was still giving her provocative glances bagaman tila kinokontrol naman ang sarili.

"Oh, cool! Ang lamig ng tubig," ani Marc na napatigil sa kanyang pagmumuni-muni. Kinuha nito ang bag at inilabas ang supot ng mais na binili nila sa daan. Hindi na nagulat si Riza nang ibigay ng binata sa kanya ang isa. Tila ba ugali na ang pagiging gentleman. "Here."

"Salamat."

"What the—" Biglang napatingin si Marc sa mga paang nakalublob. She grinned. Alam ni Riza kung ano ang gumulat kay Marc. "Maliliit na isda!" Gulat na bumaling ito sa kanya. "They're therapeutic fish, right?"

"Hindi ko alam kung ano talaga ang pangalan nila at kung katulad din ba sila noong mga napi-feature sa tv pero, oo, therapeutic sila. Kinakain nila ang mga dead skin cells sa mga paa natin."

"That's so nice. Thank you." Hindi inaasahan ni Riza na hahagkan ni Marc ang kanyang pisngi, or rather ang sulok ng kanyang mga labi. It was not even a real kiss pero gayunman ay nagdulot iyon ng init sa kanyang pagkatao. And that heat rippled through her, making every nerve ending aware of him. Hindi sigurado si Riza kung sinadya iyon ng binata ngunit nagising yata ang lahat ng dugo niya sa katawan. "Lagi mo na lang akong sinosorpresa."

"A-ahm... M-mabuti at nagustuhan mo," ani Riza. Napakagat tuloy siya ng mais ng wala sa oras.

Kumagat din si Marc sa mais na hawak. And for the life of her, she could not help but secretly stare at him. Pinanood niya kung paano ito ngumuya at kung paano gumalaw ang mga labi.

Lihim na sinaway ni Riza ang sarili dahil nagsisimula na namang gumana ang kanyang imahinasyon. A picture of those sensual lips branding every inch of her body crossed her mind.

Oh, God, Marc. Ano itong ginagawa mo sa akin?

"So, uhm, kapag dumating na ang mga kasamahan mo, doon ka na sa Maynila titigil hanggang sa bumalik ka sa Spain?" tanong ni Riza para may mapagkuwentuhan sila. Alam niya na ilang araw lang ang ititigil doon ng binata, subalit pakiramdam niya ay masyado na siyang na-attach kay Marc. Ngayon pa lang ay nalulungkot na siya sa kaalamang aalis din ito at babalik sa totoo nitong mundo.

"Most likely," sagot ni Marc bago humugot ng malalim na hininga. "Darating sila three days from now. Uhm... k-kung hihilingin ko ba na samahan mo rin ako sa Maynila, papayag ka?"

Tumambol ang dibdib ni Riza. "B-bakit naman? I'm sure, naroon na ang PA mo, manager, at kung sino-sino pa." But she wanted to come. Gusto niya itong makasama.

"I... I don't know. I might be asking too much from you. Err, uhm, ayaw mo ba akong makita sa exhibition ko?"

"Tempting," sabi ni Riza. Shesh. Bakit ba parang napakabigat ng mood sa pagitan nila?

"Riza?" mayamaya ay tawag ni Marc.

"Hmm?" Ibinababa niya ang busal ng mais at uminom ng tubig. Ganoon din ang ginawa ng binata.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Marc. Kung para saan iyon ay hindi niya alam. "Hinahayaan mo ba ang sarili mo na maging... how do I put it, carefree, careless, adventurous?"

"Oo naman."

"So, do you think you're feeling careless right now?" muling tanong ni Marc sa mababang tinig. Ang kislap ng mga mata nito ay nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.

"Yeah. I think I am." Para saan ba ang mga tanong na iyon?

"Do you find me attractive?"

Muntik nang mabilaukan si Riza. Why was he asking the obvious? Sino ba ang magsasabi na hindi attractive ang binata? Minus the name Marc Marquez, this man was still attractive in his own way. Mapupuyat ba naman siya sa kaiisip kung hindi ito attractive? At magugulo ba naman ang kanyang sistema kung hindi siya naa-attract sa binata? "Ano ba namang klaseng tanong iyan? O-oo naman."

Napasinghap si Riza ng tumaas ang kamay ni Marc at hinaplos ang kanyang pisngi habang ang mga mata ay matiim na pinapasadahan ng tingin ang kanyang buong mukha. Kinikilabutan siya sa ginagawa ng binata. Gusto niyang magsalita subalit tila umurong ang kanyang dila. Marc's passionate gaze bore into her soul. "So, you're feeling careless and you also find me attractive..." Inilapit ni Marc sa kanya ang mukha. Napapikit si Riza. His sweet breath was drugging her. "Does it mean a kiss is possible right now?" halos pabulong na tanong ng binata.

Nagmulat ng mga mata si Riza. Pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa sinabi nito. Marc's face was still inches away from her. Samut-sari ang emosyong dumaraan sa mga mata ng binata. Napalunok siya. "M-Marc..." Oh, God, but she wanted to have a taste of his kisses. She wanted him to kiss her and be her first kiss. Pinagpapantasyahan ni Riza ang halik nito.

Nang marahang ilapit ni Marc ang mukha palapit sa kanya ay natagpuan ni Riza ang sariling sinasalubong iyon. She sucked in her breath, surprised at the liquefying heat that was rushing to the pit of her stomach. She had never been kissed, never been touched kaya nasosorpresa siya sa pagnanasang lumulukob sa kanyang katawan. And yet, she welcomed the feeling.

Hanggang sa tuluyang maglapat ang kanilang mga labi.

My Smiling Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon