Part 23

4.9K 159 0
                                    

"SO, what keeps my son busy? Kung hindi pa ako tumawag ay hindi mo yata kami maaalalang kumustahin man lang."

Napangiwi si Marc. Napagtanto niyang lumipas na pala ang mga araw na hindi man lang siya nakakatawag sa Spain. "Err, I'm sorry, 'Ma. Masyado akong naging tutok sa last season ng MotoGP kaya 'eto, ini-enjoy ko ang bakasyon ko. And, uhm, 'Ma, remember Riza?" Napangiti siya nang banggitin ang pangalan ng dalaga.

Oh, dear, hindi niya alam kung bakit para siyang sira-ulo na napapangiti na lang bigla kapag pumapasok sa kanyang isip si Riza. He was not just attracted to her but he also enjoyed her company immensely. Sa bawat paggising niya ay naroon ang pag-asam na makasama ang dalaga, ang makita ang ngiti, at marinig ang halakhak. Hindi niya ito binobola nang sabihin niya na espesyal si Riza at nagdudulot ang dalaga sa kanya ng espesyal na pakiramdam. Isang pakiramdam na tila ba mas makapangyarihan kaysa sa pisikal na atraksiyong kanyang nararamdaman.

"Riza who?"

"Si Riza ay ang anak ni Nanay Hilda. Riza is the caretaker's daughter. Remember her?" Marc had been in love but Riza was the only girl who made him feel butterflies in his stomach. Pakiramdam ni Marc ay natotorpe siya na hindi mawari kapag nasa paligid lang ang dalaga. Hindi kainip-inip ang bawat sandali na kasama niya si Riza. In fact, pakiramdam niya ay kulang pa nga ang mga oras na iyon. That was why he was always looking forward to another day.

"Oh!" Her mother giggled on the other line. "Of course, of course. Naaalala ko siya," anito na hindi maipagkakaila ang amusement sa tinig. Then she chuckled again and again.

"Why are you giggling, 'Ma?" hindi napigilang itanong ni Marc.

"Wala naman..."

Napaungol siya. "Come on. Tell me. Huwag mo akong pag-isipin, 'Ma."

"Okay. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa pero... Hawak mo noon ang kanang kamay ni Riza and she was sucking her left thumb then. Mahigpit ang pagkakahawak mo sa kamay niya, 'tapos nilapitan ninyo si Hilda. Alam mo kung ano'ng sinabi mo? Well son, you said: 'I love Riza. Puwede po ba akin na lang siya? Aalagaan ko naman siya, eh.' Imagine that?"

"Seriously, 'Ma?" hindi makapaniwalang tanong ni Marc. Hindi niya maalala ang insidenteng iyon pero malinaw niyang nai-imagine.

Muling humagikgik ang kanyang ina. "Tanungin mo pa ang papa mo. Nagkatinginan pa nga kami and then we just burst into laughter. It turns out na pareho ang iniisip namin ng papa mo."

"Na? Ano'ng iniisip n'yo noon?"

"Well, kind of looked to us that you were asking for Riza's hand in marriage."

Napaunat ng likod si Marc. "Whoa!"

"I know, right. So, son, bakit mo naitanong kung natatandaan ko si Riza? Eh, how's Hilda? Naipaabot mo ba ang pangungumusta ko?"

Hindi magawang sumagot ni Marc.

"Marc? Nariyan ka pa ba, hijo?"

"Eh, tatawag na lang uli ako, 'Ma. Bye."

  Agad siyang lumabas ngkanyang silid. The need to see Riza right now was overwhelming. o 

My Smiling Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon