Chapter 11

31 2 1
                                    

Joules' POV

"Bagay talaga kayo!!!!" pangaasar nila sa akin. Pagkalis dun sa resort hanggang ngayon hindi na nila ako tinigilan. Kainis!

"Magtigil nga kayo! Tao kami tao!" Sigaw ko sa kanila, tinawanan lang nila ako. May nakakatawa ba? Tss.

"Ay teh may kayo? Uyyy" asar na tanong ni Dianne. Hindi ata to bitter ngayon may himala.

"Tantanan niyo na ako, huhu" nagkukunwaring iyak ko pa.

"Ayaw" ani ni Jonella sabay dila saakin mistulang nangaasar. Bwiset

"Lance plus Joules... um LanJo" Dianne

"What the heck?" Lanjo? Loko.

"HAHAHAHAHHAHA LANJO" Tawa pa nila. Ugh ayaw talaga nila akong tigilan.

Lokong Lance na yun kasi my pa flying kiss pa bago kami umalis. Ugh kainis ang loko.

"Muah..Bye Eva" panggagaya ni Madeleine sa ginawa ni Lance kanina.

"Tss"

"Ay hindi mas maganda LaVa" pangaasar na sabi ni Jonella. "HAHAHAHAH parang pagmamahal nila nagbabaga" isa pa tong si Ara eh.

"Anong pagmamahal? Eh ngayon ko nga lang yung nakasama eh" protesta ko. Hindi naman talaga naguusap o nagsasama yung grupo nila Lance at grupo namin. Di kami close duh.

"Tsaka makapangasar ka Ara ah. Halos matunaw kayo kaninang dalawa grabe kung magtitigan" sambit ko. Natahimik naman siya , sana matuon sa kanya para tigilan na ako haha.

"Oo nga napansin ko din yun" yes! Kakampi ko talaga to si Jonella.

"Tigilan niyo na yang pagaasaran" biglang pigil saamin ni Madeleine.

"Nay KJ" hindi pinansin ni Madeleine ang sinabi ni Dianne. "Baka naiingit wala yung kanya" bulong na sabi ni Dianne sa amin, pero alam ko namang narinig yun ni Madeleine. Ang bulong ni Dianne parang sigaw ko na haha.

"Loko" natatawang sabi ni Ara na may kasama pang batok, nagpout naman si Dianne akala mong cute.

Ara's POV

Pagkatapos kami sawayin ni Madeleine nanahimik na kami hindi ko alam kung badtrip ba siya o naiingayan lang siya sa amin. Pero nakakalungkot ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ng bakasyon naming to baka sa pasukan na kami magkitakita. Uuwi ako sa probinsya, sa mga lola't lolo ko. Si Madeleine, Jonella tsaka si Dianne magbabakasyon naman sa ibang bansa. Etong si Joules hindi ko na rin naman mahahagilap dahil kung saan saang lugar sila pupunta ng family nila.

Kahit na nalulungkot ako ngayon di ko parin mapigilan mapangiti pag naaalala ko yung mga ngiti ni Ryosei. Hayss

"Alam mo ang creepy mo" napahawak ako sa dibdib ko ng magsalita tong si Madeleine.
"Kanina halos manlumo ka dyan tapos bigla kang ngingiti dyan" pagpapaliwanag niya. Ganun ba talaga ako kanina? Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Iniisip mo si Ryosei?" Biglang tanong niya. Nagkatinginan kami at pareho rin kaming nakangiti.

Hindi niya na ako hinintay sumagot at nagsalita na ulit siya. "Maling mali ang iniisip natin about Ryosei. He's mabait pala" mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Madeleine hindi ko naman maiwasan sumangayon sa kanya at napatango na lang ako.

"Akala natin sobrang bad niya" akala talaga namin nung una, sa twing makukrus ang landas namin laging masama ang awra niya. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin akala mong makakapatay ang tingin.

"Sobrang judgemental natin" natatawang sabi ko. "Eh siya din naman kasi, akala mong galit lagi sa mundo. Nung nagshopping tayo tapos nakita natin siya yung lang unang beses na nakita ko siyang ganun" salaysay ni Maddy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stupid GeniusWhere stories live. Discover now