Chapter 7

34 3 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga kaming aalis. Sinundo ako nila Madeleine sa bahay, pero mukang malungkot siya.

"Bakit ka nga kasing malungkot?" Pangungulit ko sa kanya ayaw niya talagang sabihin sa akin.

"Oo nga sabihin mo na samin para matulungan ka namin hindi yung nakabusangot ka dyan" pagpupumilit ni Joules kay Madeleine.

"Hindi mo pwedeng kimkimin yan, bahala ka pag yang sumabog mas mahirap" pagpapaalala ni Jonella.

"Oo nga ano pa't naging kaibigan mo kami kung di mo naman sasabihin" sambit ni Dianne kay Maddy.

"Okay fine, si mommy kasi at si Daddy they made a promise na sasama sila sa atin pero biglang ayun 'may important meeting pala kami ng mommy mo ngayon, we're so sorry sweetie' sana di na lang sila nangako" ibinaling niya ang tingin sa bintana nakikita kong naiiyak na siya.

"Ako nga eh hindi din sila makasama kesyo ganito ganyan. Tsaka nagsorry naman pala parents mo sayo okay na yun" pagsasalaysay ni Joules.

"Yeah yeah same" pagsangayon ni Jonella at Dianne.

"Busy din sila" malungkot kong sabi.

"Hay nako Madeleine Claire wag munang isipin yun magsaya na lang tayo" umakbay si Jonella kay Maddy.

"Ay pusa" napasubsob si Joules ng magpreno si kuyang driver. Nagtawanan naman kami.
"Oh ayan tumawa na si Maddy gustong may masasaktan eh" tinignan ko si Joules at Dianne sa likod inaayos nila ang upo nila.

"Matulog na lang kayo mahaba pa ang byahe" sabi ni Joules, dahil masunurin kami sa aming ate ayun kanya kanya ng pwesto. Di ko na lang namalayan na nakatulog na ako.



Unti unti kong iminulat ang mata ko. Timungin ako sa labas hindi pa kami nakakarating. Tinignan ko ang mga katabi ko nakita kong gising na si Jonella at nagbabasa nanaman to siguro.

Sinilip ko sila Joules at Dianne sa likod. Si Joules gising na nakaearphones si Dianne natutulog nakakanganga pa hindi ko mapigilan mapatawa ng kaunti.

'Eto nga pala yung sinayang mo' naalala ko nanaman yung post 😂

Mga ilang minuto lang ay nakarating na din kami.

"Anne, gising na" tapik ni Joules kay Dianne na agad namang nagising. Kinuha namin ang mga gamit namin at bumaba sa van nila Madeleine.

Iginala ko ang mga mata ko para tignan ang ganda ng paligid.

Teka

Sila Ryosei ba yun?

"Sila Ryosei?" Tanong ni Madeleine sa amin at tinuro pa niya ito.

"Ryosei!" Sigaw ni Madeleine na may kasama pang kaway ng kamay.

Mukang nagulat din siya ng makita kami.

"Hi girls" bati sa amin ni Ryosei, naglakad sila patungo sa amin. "Hello Eva" bati ni Lance kay Joules.

"Jusko hanggang dito ba naman, tara na nga Jo" isinakbit niya ang braso niya sa ni Jonella. "Teka nandito si Daniel" narinig kong bulong ni Jonella kay Joules malapit kasi ako sa kanila.

"Juskooo walang kaiibiibigan pag nandyan ang gusto, halika na nga ampalaya" hila ni Joules kay Dianne na mukang wala pa sa sarili hindi maingay eh.

"Hintayin namin kayo dun" sambit niya bago sila makalayo ni Anne.

Akmang susundan na ni Lance yung dalawa ng pigilan ni Daniel. "Wag na pre baka masapok ka nun" biro ni Daniel kay Lance.

"Mapaglaro talaga ang tadhana akalain mo yun nagkita tayo dito" nakuha ni Ryosei ang atensyon namin.

Stupid GeniusWhere stories live. Discover now