SCHOOL STARTS TODAY! AT LATE AKO! ansaya saya naman haha
Nagcommute na ko papuntang school kase traffic at hassle pag nag kotse pa ko. Soooo time check, 6:58 at ang first class ko ay 7:00. Bobo talagaaaa buong araw na nga akong natulog kahapon late parin ako huhu.
Tumatakbo na ko paakyat sa fifth floor kung asan yung classroom ko. 7:05 nagsasara yung elevator at 7:12 na kaya tinakbo ko yung stairs.
Wala pa ko sa kalahati teh parang mag cocollapse na ko sa init jusmeme!!!!!!
Shox ang init!!!! Tinanggal ko na yung hoodie ko kase pawis na pawis na ko kakatakbo....at yun nga obobs talaga....NALIMUTAN KONG NAKA SPAG STRAP LANG AKO SA LOOB ANAKNG. Binalik ko sa katawan ko yung hoodie letche. Plain white pa na spag strap yung suot ko, na shelf bra, so in short parang naka sando lang ako na pang bahay talaga HAHA! Pero wala na kong pake mamamatay na ko sa init! Kaya tinanggal ko na ng tuluyan yung hoodie ko at mejo pinantakip nalang sa bare shoulders ko WOOOO ANSARAP.
Nakarating naman ako ng fifth floor nang hindi nag ppass out lalo nat wala akong kinain for breakfast. Pasilip silip pa ko sa ilalim na bintana kase yun lang yung nakakaview ng loob from labas na hindi halata. Paksht mahirap ng tumakas. Lalo nat nagsisimula na ata agad sa lesson yung prof anlala. Lahat sila naka upo na at behave na huhu anuna Rana :""< BAHALA NA!!!
Kumatok at pumasok na ko ng classroom na medyo hingal padin. WALA NG IKAKASABOG YUNG ITSURA KO RN!!! Feel ko anlagkit lagkit ko na and all ansarap lang maligo jusko. Kaya sana po please wala akong kaklaseng pogi kundi tatalon nalang ako sa bintana huhuhu....kase ampanget panget ko talaga at this moment baka never na ko magka jowa huhuhuhuh
Pagkapasok ko....may sumipol na pang manyak. ABAT.
Nagtawanan lang yung buong klase, pero ako hinahanap ko parin kung sino yung sumipol na yon....hayop yun ah walang modo nakakainis!!!! Mabilis kong pinasadahan uli ng tingin yung buong klase......at nalaman kong.....SIYA.....yung nanipol na pangiti ngiti ngayon......SIYA YUNG NANULAK SA TINULAK NA LALAKI SA ELEXIR!!!! YUNG BET KO!!!!!
HAHAHHAHAHAHHAHA Ponyeta ayoko na pls
Nakatingin lang sakin yung pogi at mukhang natatawang ewan, gusto ko sana jowain to pero dahil antipatiko kang hayop ka, pinagtaasan ko lang siya ng kilay LUH PACUTE KA BAHALA KA DIYAN I HATE YOU!!!
"Ms. Berberana Adieuan, di ka parin ba marunong gumising ng maaga?"sabi nung prof kong kalbo. Nalimutan kong late nga pala ako at may prof na HAHHAHA BWISIT KASE YUNG POGI.
PERO MAS NAKAKAINIS TING PROF KO LIKE, NAKAKAINIS SIYA!!! Ilang years ko na ba to prof nakakasawa naaaaa UGH at lagi niya kong pinapahiya di nagsasawa rawr
eh ikaw Prof kong kalbo, winawax mo parin ba gabi gabi yang anit mong wala ng igaganda? sabi ko
joke lang i cant say that
"Sorry prof." sabi ko nalang at umupo na. Pero walang upuan. BWISET!!!!
Yung nagiisang upuan ay nasa likod at katabi ng basurahan. Yung mga kakilala ko dito sa klaseng to mej malayo sakin nakakaurat!!!! I hate this school year already.
After ng lesson para sa first day, bait ng prof ko no? Nagbigay na siya agad ng modules na ikinabigat ng bag ko sa sobrang dami. Grabe goal ata ng mga prof na wag kami bigyan ng free time para gumala at gumawa ng mga katarantaduhan HAAAAY BAKET FEELING KO SENIOR AT GRADUATING COLLEGE STUDENT NA KO SA SOBRANG STRESSED KAHIT NEXT YEAR PA KO MAG FFOURTH YEAR??????
Nilagay ko na yung mga gamit ko sa locker after nung first class namin, may vaccant akong 1hr then after that, tuloy tuloy na ulit yung subjects ko hanggang 1pm. Sa field nalang uli ako tatambay tutal mej presko don. ANG INIT SA PINAS!!!!
Bumili ako ng snacks at kinain ko sa field. Dito nalang din ako gagawa ng mga assignments after ko mag snacks.
Ang init pariiiin!!! Sinuot ko na uli yung hoodie ko....wrong move. Bat ba kase ako nag hoodie pa. Ansagwa naman mag spag strap lang tas puti pa...hay bahala na BASTA NEVER AGAIN!
Nakita ko sa malayo sila Liza at Den, teammates ko. Papunta sila kung asan ako kaya kinawayan ko. May sinigawan si Den sa mej gilid ko kaya sinundan ko yung tingin...at don nakita ko naman si Nate, boyfriend ni Den may kasamang dalawang lalaki na hindi ko maaninag yung mukha kase nakatalikod.
"Rana!!" Bati ni Liza yung senior team captain namin. Naghug lang kami pambati. "Start na ng training tomorrow ah" tumango nalang ako. May itatanong pa sana ko nang marinig ko yung nasa gilid kong guy na nagsalita....
"Bat siya naka hoodie? Malamig ba?"
oh come on...yung kaklase kong pogi na nanipol at nanulak ng lasing sa Elexir nakikita ko nanaman kasama si Leo....well oo nga naman, lahat sila may mga butil na ng pawis sa mga balat nila tas ako eto balot na balot. Pero sht.....UTANG NG LOOB NAMAN SOBRANG ANNOYING NIYA!!!! Natawa nalang sila Den, Liza, Leo, at Nate sa sinabi ng hayop na to. Di ko napansing nakabilog na kami.
"Siraulo ka Vade naririnig ka niyan" Sabi sakanya ni Leo. Obobs din to e rinig ko rin kaya siya tss.
Teka, Vade pala ah. Gaysht.
"Bat ba andaming pakialamero sa mundo? Pati fashion ko pinapakealamanan, mga bakla nga naman..." pagpaparinig ko sa Vade na to habang inaayos na yung mga gamit ko at naglowki walk out na.
Narinig ko nalang silang nagtawanan. OH ANO WHO YOU KA VADE PAKEALAMERO GRRRR!!!! Ayoko na siyang maka encounter ulit nabbwiset ako!!!!
Di ko alam kung san ako pupunta hdbsjsnsjsj nananahimik ako sa field eh mambubulabog sila grrrr sa next class ko na nga lang ako magiintay tsk.
Nasa fourth floor yung next class ko kaya di na ko masyadong nahirapan sa pag akyat. Letche tong building na to ang kuripot magpa escalator hayup. Naupo ako sa gilid ng classroom ng next class ko at ginawa ko na yung iba kong assignments. Mahaba naman ang oras ko.
Pls lang pag may isa pang nambulabog sakin mag ddrop out na ko.
Mej nakalahati ko naman yung gagawin ko at nung malapit na mag time, pumasok na ko sa classroom at umupo sa tabi ng bintana. Tinuloy ko yung pag gawa ko ng assignments. Sa awa ng Diyos walang nambulabog sakin sa labas kaya di an ko mag ddrop out YAY.
Ansaya pag wala ka ng gagawin sa bahay eh chill nalang. Kaya kailangan kong matapos lahat ng to ngayo- ARAY!
MAY CRUMPLED PAPER NA TUMAMA SA BUNGO KO.
Ano to? Love letter? May nagkaka crush na sakin? :"">
"Oops! I was aiming for the trash can" kasabay ng pang aasar na tawa.
deputa
Unang una, Rana asa ka pang mag kaka love letter ka. Pangalawa, walang nagkaka crush sayo okay? At pangatlo, WAG KA NG MAGEXPECT NG TAHIMIK NA PAMUMUHAY KASE NABULABOG NA ANG KUTONG LUPA SIMULA PALANG NOONG PINATULAN MO YUNG KATARANTADUHAN NIYA KANINA!!!!
Guess who? Kung sino yung nagtapon ng crumpled paper?
YUP.
SINO PA NGA BA? ha ha
that gaysht.
BINABASA MO ANG
More Than A Feeling
Humor"Minsan may mga bagay na abot kamay mo na, pero ayaw mong kunin. May mga bagay rin namang abot kamay mo na at gusto mong kunin, pero di mo parin kaya kase nga tanga ka. Some things aren't meant to be nga naman talaga. " -Berberana