NATALIA:
"Bakit ba ang badtrip mo!?" tanong ko dito sa mayabang na krismond na to.
Nasa school na kami ngayon at 3rd day palang ng pasukan at ito, namumuno na ng mga boys si krismond. Badtrip, masyado na syang mayabang para sakin. Yari sakin to.
"Easy lang ms beautiful, ganyan ka ba mag greet sa mga pogi?" madaming lalake ang naka palibot sakin na para bang may away samin. Oo may away nga.
"Patawa ka? Sino? Ikaw Pogi?" tumango sya at tinuloy ko ang sinasabi ko sa kanya. "Hahahahah" tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa napaluhod ako sa joke nya.
Pagtingala ko nakita kong naiirita na mukha nya. Kaya patuloy lang akong tunatawa, hanggang si kinuha nya yung braso ko at inangat nya ako.
"Wag kang mayabang, di porket babae ka, hindi ako papalag sayo" ngumisi dya at nilapit nya ang mukha ko. Masakit yung pagkahawak nya sakin, parang mag papasa pa.
"Bitawan mo ako." nandidilim na ang paningin ko, maraming umusog na lalakeng istudyante na kasama ni krismond kanina, at si krismond binitawan ako.
"Panget mo." tumalikod sya at sumenyas at sumunod na yung mga tukmol na alalay nya. May nayirang isa
"Panget mo." ginaya nya si krismond at sa sobrang galit ko sa kanya ako nanginit!
"Pucha ka ah!" kinwelyuhan ko sya at inangat sa pader, habang nanlalaki ang mga mata ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na naka tingin si krismond sakin at naka lagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa.
May mga papuntang lalaki, pero pinigilan ni krismond yun at parang pinagmamasdan lang ako at inoobserbahan sa susunod na gagawin ko. Isang mali ko lang malaki tong issue, pero yun nga eh. Sanay na ako dun. At yun ang problema.
"S-sorry na n-natalia s-sorry talaga!" sigaw ng lalaki habang paiyak na. Pero dahil wala akong away. Sinapak ko sya sa panga at initlogan, napahiga sya sa lapag at inirapan ko si krismond ng paalis na ako. Naka bulsa ang isa kong kamay at inaayos ko naman ang buhok ko sa kaliwang kamay ko.
Maraming nagulat sa ginawa ko, pati narin si krismond. Di nya ata inaakala na magagawa ko yun.
Paalis na ako at hahanapin ko na si thea, wala namang ginagawa ngayong 3rd day kasi maraming ginagawa ang mga teachers. Kaya steady lang kami. Pwede na ring umuwi pero mas prefer ko na dito na muna kami.
THEA:
"Pwede ko bang mahiram yang binabasa mo?" inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nag sasalita. Ah, yung badtrip sa buhay ko. Yung lalakeng kumuha ng librong gusto ko.
"Hindi. Binabasa ko pa kasi." at nagbalik na ako sa pagbabasa at nag salita nanaman sya.
"Hindi mo ibibigay." walang emosyon nyang sinabi sakin
"Hindi nga diba!" pabulong na gigil ko sa kanya.
"Hihiramin lang naman" wala nanamang emosyon.
"Hindi nga pwede diba? Bakit ba ang kulit mo?!" di ko napansin na napasigaw ako kaya pinalabas kaming dalawa ng librarian.
At first time pa tong nangyari sakin."Ayan tuloy! Napagalitan tayo! Pag hindi ako pinahiram ng libro wala na, ano nalang babasahin ko? Diba wala na?! Kasi naman eh, akala ko pa naman mababasa ko yun ng maayis at walang halong epal na mang eepal sakin at mangungulit, kaya nga umalis ako sa room eh, kasi maraming maibgay, badtrip, tapos ano?! Anong gagawin ko dito? Wala diba? Pano ko mababasa yun? At tsaka bakit ba gusto mong basahin yung lib-" di pa ako tapos sa napakahaba kong maktol sa harap nya.
"Maingay ka." napahinto ako ng takpan nya ng daliri nya ang nguso ko.
"Kasalanan mo yun." syempre wala nanamang emosyon. Siraulo ba to?
"Ewan ko sayo, napaka wala mong emosyon" sabi ko tatayo na ako sana ng nag salita ulit sya.
"Nerd." tsaka umalis na sya habang naka sapak yung earphones nya sa tenga nya pero sumigaw ulit ako, kahit di naman ako madalas sumigaw.
"Weirdo ka!!" sigaw ko at inayos ko ang salamin ko at tumakbo na ako palayo, kasi may mga naka tingin na sakin.
At nag bubulungan, siguro bago din sa kanila na sumisigaw ako sa harapan nila, madalas kela natalia lang at zandra.Umalis na ako at hahanapin ko nalang si zandra at aayain ko na umuwi.
ZANDRA:
"Bakit hindi ka naka uniform?"
Masungit na tanong ko kay gerick. Napaka ganster naman ata nito?
Hindi nya ako nilingon at derederetso lang sya habang nakikipagusap.Hinatak ko sya at napaharap sya at halang inaasahan na nya yun tinignan lang nya ako.
"Bakit hindi ka naka uniform?" seryoso kong tanong.
"Huh? Ano? May gusto ka sakin?" aba! Angkapal ng muka nito ah, loko tong mokong na to ah
"Try mong rin maglinis ng tenga, uso yun" sabi ko, oo. Tatarayan ko tong lokong to. Badtrip eh.
"La kang pake." aalis na sya sana pero tumalon ako at hinatak ang buhok nya kaya ngayon naka yuko sya.
"Arayy! Wag ka ngang ano!!" sigaw sya ng sigaw at nagsalita na ako.
"Mag uuniform ka na next time." binitawan ko yun at maya maya paalis na sana ako ng buhatin nya ako. Yun buhat na nakapatong sa balikat nya. Gago ba sya?! Maiksi ang palda ng HU! Makikitaan ako.
"Gerick! Makikitaan ako! Bitawan moko!" sigaw ko habang hinahampas ang likod nya.
"Dont worry ako lang naman nakaka kita eh, kinuha nya yung bag ko at tinakpan ang bandang babako.
Binaba nya ako sa locker room ng boys. Sa loob pa talaga.
"Hoi! Umalis ka nga dyan sa daan!" naka harang sya sa pintuan.
Habang yung mga lalake dito naliligo. Eeewww!! Mga naka hubad! My virgin eyes!Pumikit ako at tinakpan ang mata ko ng kamay.
Mauñy humawak sa kaliwang balikat ko at nagsalita si gerick.
"Wag kang OA, at wag mo na akong kulitin na mag uniform. Dilat, alis" umalis sya sa harang at umalis na ako.
Waaaa! Badtrip naman yung mokong na yun!
Nakita ko si natali at thea na hingal na hingal, inaya ko sila sa cafeteria at kumain kami.
"Hay nako, may babsahin pa pala akong libro kaso wag na. Tara uwi na tayo?" nagusap kami at nakwento nila yung kamalasan na nangyari kanina, badtrip talaga yung mga yun. Kahit kelan.
Papasok na kami sana sa gate ng may magsalita. Na lalake
"Hoi! Panget!" paglingon namin nakita kong may lalakeng kumakaway mula sa pwesto namin at nakita kong nakapanlisik yung mata ni natalia.
Pati rin kay thea, nakita kong wala na syang gana. Nakita ko sa direksyon na tinitignan ni thea yung lalakeng naka earphones na parang di alam kung anong nangyayari sa mundo.
At ako? Badtri, nakita ko si gerick.
Nginitian nya ako at ako naman pinandirian ko sya."Tara pasok na tayo" aya ni natalia, bakit ba nandyan sila sa tabing bahay namin? Bagong lipat sila?
"Oo nga pala bagong lipat kami dito" sigaw nung lalakeng tumawag kay natalia kanina.
"Walang may pake" sabi ni natalia, tinulak ko si natalia sa loob at pati si thea.
Wala akong balak kausapun ni isa sa kanila, badtrip sila eh. Kahit din naman ako kaya humuga nalang ako sa kama ko at nag drawing ako. Para mawala naman yung stress ko. Hanggan sa makatulog na ako.
YOU ARE READING
Cant Help Falling Inlove
Подростковая литератураZandra, Natalia and Thea are best friends, Kilala sila sa Harvard University, While Gerick, Krismond and Jethry naman kilala sila sa Galaxy High. Many people like them. Pero wala silang gusto sa mga nagkakagusto sa kanila. kasi nga walang pake ang m...