Badtrip

7 0 0
                                    

ZANDRA:

"San ka na ba?" tanong ko kay natalia sa cellphone, dahil sabi nya mauuna na raw sya sa school.

"Nandito ako! Sinama ko na si thea ah!" mag sasalita palang ako ng binaba nya ang telepono. Akala ko pa naman makakasabay ako sa kanila.
Nakakainis.

"Morning!" Bati sakin nung lalake, mag gogoodmorning din sana ako ng malaman ko kung sino yun, si gerick.

"Oh? Wala bang goodmorning?" Feeling close! Napaka epal naman, ang aga mang badtrip.

"Feeling close." umalis na ako pagkatapos ko yun sabihin. Narinig ko ang tawanan ng isang kasama nya.
Wait parang kulang ata sila? Well, i dont care naman eh.

Nakita ko si thea na nasa likod ng school at parang may nagsisigawan.
Lumapit ako at nakita ko si natalia na nakikipag away sa babae sa galaxy high, for sure isa yun sa mga kaaway nya, nako naman. Kelan kaya aalis si natalia sa grupo nila? Panay away lang natatama nya eh. Oo may grupo sila, at kilala ang grupo nila ng ibat ibang lugar.

"Hoi! Wag na nga kayong bumalik dito sa harvard! Mga kupal kayo! Wala kayong nirespeto mga walang pinag aralan!" Rinig kong sigaw ni natalia dun sa babaeng magulo ang buhok.

"Hey! Ikaw ang nag umpisa ng away! Just mind your own buisness Natalia!" umalis na yung babae, lalapit na sana ako pero hinila ni natalia ang buhok ng babae at napabalik.

"Di pa tayo tapos!" pinag sasapak nya yung babae, lumapit yung isang lalakeng kasama nung babae at aambahan ng sapak si natalia pero naunahan ni natalia sa pag iwas ito kaya sinamantala nya ang pagkakataon para sipain sa likod at sabay hinagis ang babae papunta sa lalakeng ngayo'y naka dapa na.

"Sa susunod na bumalik kayo dito di lang yan aabutan nyo" tumakbo yung mga lalakeng kasama nung kaaway ni natalia at tsaka na ako lumapit.

"Babaita! Bakit ka nakipag away! NANAMAN!" binatukan ko sya, buti nalang nasa likod ito nangyari sa school.

"Tama ba na mang bully sila ng estudyante sa harvard? Nag lalampungan pa dito, limang lalake sa isang babae! Salo salo?!" tumaray sya at tumawa naman kami.

"Ok, wag na tayong tumawa, hayaan mo na yun. Gumaganti lang yunpasok nalang tayo!" pero paglakad namin masakit daw yung kaliwang paa ni natalia, son we decided na samahan sya sa clinic at bumalik sa klase.

"BTW thanks for the help" umalis na kami ni thea, sana hindi magalit prof namin.






NATALIA:

"Nurse? Ahhh nur-" di pa ako tapos nang may binibining lumapit sakin para tanungin kung bakit at ano ang kailangan ko.

Sya pala ang school nurse namin dito, she's 28 palang sya.
And her name is Andrelyn.
We talk for a bit at may dumating na isa pa kaya iniwan nya ako muna.
Narinig ko na para maasikaso din daw nya ako ipupunta nalang yung lalake dito.

Im about to say hi ng maramdaman ko kung sino pala yung kasama ko.
Si krismond

"So magkakilala ba kayo?" tanong ni Ms. Andrei, andrei nalang daw ang itawag ko sa kanya dahil mahaba daw yung andrelyn.

"Yeah, i know she likes me" Confident na sabi nya. Tinitigan ko sya ng masama at binawi nya ang sinabi nya.

"Ah una na po ako, kaya ko na rin po ata mag lakad" Grabe yung sakit ng paa ko. Pero feelingo mas masakit yung natamo ni krismond. Nag dudugo yung labi nya at may pilay sya sa braso.

"Are you sure?" tumango nalamg ako at isinara ang pinto, pipilitin kong maglakad. Sana kayanin ko.

"Hey! Wait up! Di mo pa kaya eh!" inalalayan nya yung balikat ko. Pero pumiglas ako at kumawala naman sya.

Cant Help Falling InloveWhere stories live. Discover now