Chapter 3:The Accident

10 0 0
                                        

Keara's POV

Black out! Grabe ang dilim shemay!
Mabuti na lang at sa kwarto ako naabutan ng pagkawala ng ilaw. Kung sa hagdan yon? Nako! Baka nahulog na siguro ako.

Para kong bulag na nangangapa sa dilim. Pero sa isang banda, may naaninag ako liwanag. Parang nandon sa higaan namin ni Ssong. Ng medyo malapit nako ay nagkaroon na ulit ng power.

Nasa harapan na pala ako ni Ssong. Kung saan may liwanag. Bakit kaya may liwanag kanina? Ano to umiilaw si Ssong sa dilim? Hala.. Hay nako Keara! Tinatakot mo ang sarili mo. Paano naman iilaw si Ssong? Ano to may l-e-d sya sa katawan?

Hay nako! Makatulog na nga lang. Kung ano ano ng naiisip ko e! Nahiga na lang ako at di na inisip ang nakita ko kanina. Baka naman siguro namalik mata lang ako.

-------------------------

Teihyang's POV

"Criinngg.. Criinngg.. Criiinngg"

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Ang aga aga may tumatawag na agad. Inaantok pako e! Anong oras pa lang 6 pa lang oh?!

"Bro! bro! Malaking problema nawawala si Kimmy! " bungad agad sa kin ni V na sobrang takot at garalgal ang boses.
Ha? Bakit? Pa-paano naman sya mawawala dyan ha? " e ewan ko nga e! Yun nga ang nakapagtataka. Nagrounds naman ako bago matulog e di ko na nga lang pinatay ung ilaw para mas madaling makita sila kapag may emergency."paliwanag ni V

Kung ganon nasaan si Kimmy? Sino naman ang kukuha sa kanya? "Bro! Uuwi na sya e nagkaproblema pa. Nako! Malaking gulo to pre, baka maging kasiraan natin to sa foundation.
Nakita mo ba si Kimmy nung nagrounds ka? Tanong ko sa kanya
"Oo bro naka red na jacket at gray na jogging pants pa nga sya e."

Kung ganon nakapag tataka naman yata. Sige papunta na ko dyan! Binaba ko na ang phone ko at naghanda ng pumunta sa foundation. Ng aalis na ko ay bigla kong naalala na sira nga pala yung kotse ko! Hay! Anu ba naman to! Kung kelan namang nagmamadali ka e!

Malamang sa malamang e mag bubus na naman ako. Sinubukan kong tawagan si V para magpasundo pero di na nya sinasagot. Baka inaasikaso na muna nya ang iba pang mga bata.

"Bssshh." Pagbukas ng pintuan ng bus ay sumakay na kaagad ako. Ilang munuto rin ang byahe papunta sa foundation. Nagearphones muna ako para manlang marelax relax ang isip ko.

Kung nakakapagteleport lang sana ko at kayang balikan ang mga nangyari. Hay hindi na sana kami nahihirapan ng ganito. Ano naman kaya ang kaso ngayon? Sino ang may pakana?

Nangyari na ito noon, dalawang bata ang nakidnap at sa harap ko pa mismo! Wala akong nagawa dahil may baril ang mga loko. Nakakaguilty diba? Buti na lang at lagi kaming nasa langsangan para maghanap. Nakita na lang namin ang dalawang bata na namamalimos at sobrang nangayayat. Mabuti na lang at nasaklolohan agad namin.

Pareho kaya ang kaso ni Kimmy? Sabagay, di naman siguro pag nanakaw ang motibo dahal wala namang nabanggit si V na nawawalang gamit o anu man. Natigilan ako sandali sa pagmumunimuni sa pangyayari ng may babaeng naupo katabi ko.

Sino kaya sya? Parang pamilyar. Ah! Si coffee jelly girl!talaga naman! What a coincidence? Pero dahil naging mahiyain nako ngayon, di ko sya pinapansin at kinakausap. Tsaka di naman kami close. The good thing is di nya ko nakilala! Bravo!

Hay. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas na may tumabi ulit na babae sakin sa bus. Dahil sa medyo badboy image ko dati, laman ako ng news sa kalokohan. Kaya naman nilalayuan nako ng mga babae.

Kaya siguro ko naging mahiyain e. Kasi di naman talaga ko ganito dati. Confidence at taas noo ako maglakad dati. Ngayon naman! Halos makuba na ko sa pagyuko. Hay ewan ko ba! People change nga ika nila.. Ay di nga pala ko tao.

Bogoshipda(by Joshua Philip)Where stories live. Discover now