Tanghali na pero ayaw pa tumayo ni Toyang. Matagal na niyang hinihintay dumating ang Sabado, pero parang naka glue ang likod niya sa kama, hindi siya makagalaw.
"Ayoko na!" Ang sabi niya sa sarilli.
"Wow! at ako pa ang may ayaw talaga. Ang haba talaga ng hair," bawi niya.
Alam na ni Toyang ang mangyayari ngayong araw. Mag-uusap sila ni Poch. At sasabihin ni Poch sa kanya na "friends" lang sila at hindi pa siya ready magka-girlfriend. Nag-eenjoy siya pag nagha-hang out sila ni Toyang, pero for now, hanggang doon muna. Busy ang band sa tour at sa bago nilang album. Baka hindi siya maka-focus kung sasabayan ng lovelife. Lead singer pa naman siya. Alam na alam ni Toyang na doon papunta ang usapan nila mamaya.
"Hoy, babaeng ilusyonada, gising na!. Magpaplantsa ka pa ng buhok, magkikita pa kayo ng rockstar jowa mo. Bilis na, pa-seksi na " tukso ni Lemon ang bestfriend niyang bading.
"Hindi ko siya jowa, at baka hinding-hindi ko na siya magiging jowa."
"Ang aga-aga hugot agad," banat ni Lemon, "ikaw talaga, Ms. Beautiful Eyes ka nga, pero napaka- weak mo. Malay mo naman baka may ibang plano si Poch para sa inyo."
"Wala, mader! Asa ka pa!" inis na sabi Toyang habang pumipili ng sleeveless blouse sa cabinet.
" Ito kaya suot ko, baka sakaling mag bago ng isip!"
"Napaka-conservative naman niyan backless. Wag yan, lotion lang ang i-suot mo girl! Tingnan natin anong mangyayari," tukso ni Lemon.
"Loka-loka ka talaga bading!"
"Seriously friend, tanggapin mo na lang kung anong sasabihin niya. Wala ng iyak- iyak nakakahiya naman baka may makakita sa yo. Ang ganda-ganda tapos krayola ang byuti."
"Eh paanong hindi ako iiyak, ehh masakit," sabi ni Toyang habang nagkukunwaring humahagulgol at naglulupasay.
"OA mo! Bakit matagal na kayo ha? Matagal na kayo? Ikaw naman kasi tinakot mo!"say ng bading.
"Ano? Ako pa? Hindi ko naman siya tinakot, sinabi ko lang .......
"Ano? Ano sinabi mo " banat ni Lemon
Sinabi ko lang, 'good luck and......."
"and ano?"
"And I love you."
"Ikaw naman, parang hindi mo naman alam ang takbo ng utak ng mga lalaki. Takot kaya sila sa 1-4-3! Takot sila lahat sa commitment. Mas lalo pa yan si Poch hindi mag ga-girlfiend yan!" sermon ni Lemon
Hindi naman sinasadya ni Toyang na sabihin yung mga salitang "I love you." Ang naalala niya kilig na kilig siya nung gabing tumawag si Poch mula sa Cebu. May concert ang banda ni Poch na "The Razors" sa Cebu, pero bago mag start ang show tumawag diya para kamustahin si Toyang. ANg saya-saya ni girl at naalala pa siyang tawagan.
Three months na silang nag de-date. Pero para kay Toyang Poch is love, Poch is forever.
"Suot ko yung shirt na bigay mo," malanding sabi ni Poch sa phone.Halos mahulog naman si Toyang sa inuupuan niya.
"kasya ba" pa-cute na tanong ni girl
"Kasyang-kasya," sagot ni Pogi. "So I will call you, pag balik namin sa Manila ha? Wait for my call?"
"Sure," sabay ayos ng hair behind the ears si Toyang. Ang lakas maka Bea Alonzo ng moment!
"Sleep early ha?" say ni guy
"Poch!"
"Yes?"
"I love you" pa-biglang sabi Toyang.
"Huh?" nagulat si Poch sa kanyang narining.
"Ano? Toyang"
"Wala, sige galingan mo ha? Hintay ko tawag mo!"
YOU ARE READING
F.F. ..... forever friends lang talaga!
Romance"Marami na akong kaibigan" laging sinasabi ni Toyang habang lumalaklak ng beer. "Jowa ang gusto ko jowa!" Ms. Friendship ang bansag kay Toyang, ang beauty and brains mg Global College of the Arts. Maraming gusto maki-friend sa kanya kasi maganda, ch...