"Ang bakla hindi nakapigil o" tukso ni Lemon, habang hinihigop and natitirang black pearl sa Milk Tea, mahal kasi kaya sinusulit hangang hangin.
"Ang tanga-tanga ko talaga," halos maiyak na sabi ni Toyang habang nagse-selfie.
"Deklaration of love talaga ang bugso-busgo, ang sister oh, walang pakundangan."
"Lemon, aalis na lang. Mamumundok na lang ako, wala na akong dangal."
"Gaga, malay mo type ka rin niya."
"Talaga Lemon, napi-feel mo na love niya ko."
"Baliw!, Illusyonada! Ikaw kasi, ayan ka na naman, pabugso-bugso pag kinilig, ayan na, give na ang lahat."
"Lemon, thursday na! Anong gagawin ko?" desperadong tanong ni Toyang.
"Bruha! Umayos ka ha! Nakakahiya ka na Toyang."
"Saturday pa siya dumating, nag hang-out pa siya sa Pink Room from the airport."
"Stalker! Toyang ano ba? Baka makita ka ng mga bumoto sa yo sa Miss. Beautiful Eyes at bigla kang singilin sa binayad nila sa text votes. Tingnan mo nga itsura mo? Mag eyeliner ka nga!
Towering Beauty ang tawag kay Victoria Grey Malilim sa school. Mula first year college hanggang sa senior year, siya ang reigning Global College of the Arts Campus Queen. Grand slam siya sa kahit na anong beauty and brains contest. This year siya ang nanalong Miss Friendship Zoology na organized ng Pre Med Society, Miss Beautiful Eyes na sponsored ng Eye Tunes Optical at Campus Morse Code Wizard ang pa-contest ng Global College Alumni Class of 1968.
Si Robert, ang Daddy ni Toyang ay dating professional basketball player. Si Kelly Gray naman ang mother niya, ay isang half-Filipino at half American nurse. Sa kasalukuyan si Kelly nakatira sa Germany. Matagal ng hiwalay ang parents ni Toyang. Close siya sa dalawa, pero di mapagkakaila na mas malambing siya sa Daddy niya, kasi yun ang kasama niya sa araw-araw. Si Mommy Kelly ay lagi namang naka gabay, kahit nasa malayong lugar. Higit sa lahat, very generous. Tuwang-tuwa siya sa kanyang anak na beauty and brains, pero mukhang nagmana sa kanya, sablay pagdating sa matters of the heart.
Maayos sa pag-aaral si Toyang, very organized. Eyes on the prize ang kanyang motto. Lagi siyang nag se-set ng goal s . From there, gumagawa siya ng strategy para ma-attain ang kanyang goal. Effective ang tactic na ito sa kanyang academics, at kung sumasali siya sa beauty contest. Unfortunately, it doesn't apply to dating. This is one area kung saan clueles si Toyang.
"Ano nangyayari sa yo?" seryosong tanong ni Lemon.
"Mali ba ako Lemon?"
"Victoria may mga bagay sa mundo na hindi mo mako-control. Hindi nadadaan sa strategy, because it involves the feeling for another person. Kailangan i-consider ang nararamdaman ng iba.... Hindi ito exam na pag nag-aral ka eh mape-perfect mo. There are things that take time. Move on ka na girl, wala naman tayong magagawa..."
"
YOU ARE READING
F.F. ..... forever friends lang talaga!
Romance"Marami na akong kaibigan" laging sinasabi ni Toyang habang lumalaklak ng beer. "Jowa ang gusto ko jowa!" Ms. Friendship ang bansag kay Toyang, ang beauty and brains mg Global College of the Arts. Maraming gusto maki-friend sa kanya kasi maganda, ch...