T.R.I.President 65

561 18 9
                                    

A's POV


Pulang-pula ang mukha niya habang kaharap si Bamboo, nasa likuran naman nito ang mga kasamang patay-malisyang nakatingin sa malayo

"A------"


"Ilang beses ko ng sinabi sayong huwag mong pakialaman ang trabaho ko"



"Hindi naman-----"



"Bakit mo kinausap ang CEO? Ang staff at ang photographer?"



"huwag tayong mag-usap dito let's  talk somewhere------"


"Gusto kong mag-usap tayo ngayon, at magpaliwanag ka sa ginawa mo"


"Lalabas na muna kami-----" Pancho


"Huwag kayong umalis, alam kong may alam kayo dito eh---"


"Sarah promise sumusunod lang naman kami sa utos----" parang batang wika ni Sir Pancho


"Basta kami walang alam dito" Tsiko/Sherwin



"Ano na?!" Taas kilay na hinarap nuya ulit ang binatang pati ang teynga ay namumula na sa hiya


"Fine! kinausap ko nga sila so what? I have all the rights dahil girlfriend kita at ayaw kong magsuot ka ng ganun-------"


"Hindi mo naiintindihan----sexiest---sexiest tapos magsusuot ako ng balot na balot?! ano to dekada setenta?!"


"Sarah anak, hinaan mo naman boses me dinig na dinig ka sa labas"  singit ni Daddy na bagaman seryoso may itinatago ding ngiti


"Isa ka pa Dy--- alam ko, kasabwat ka ng isang to!" aniya sabay turo ulit sa kaharap na kung kanina ay parang batang naghuli na nagnakaw ng candy ngayon ay parang handa ng lumaban


"Magalit ka hangang gusto mo pero hindi na magbabago ang desisyon ko,  yun na ang isusuot mo period"


"Ah talaga? pwes wala ka ding magagawa kung ang susuotin ko yung unang napili ko!"


"Sarah!" natatarantang biglang sigaw nito


"At huwag mo akong ma-Sarah-Sarah!"


"Sorry na------andhalkdladiwhdsjdksaklad" mahinang wika nito kaya naman hindi niya naintindihan ang mga kasunod


"Ano?"


"andsbakdjjadjshdasoadj"


"Ayusin mo nga yang pagsasalita mo, para kang Alien!"


"Papayag ako basta ako ang kasama mo!" nagulat siya sa narinig


"Hindi pwede"


"At bakit?"


"Kailangan mo pa talagang itanong? haleerrr Presidente ka ng pilipinas tapos magpopost ka sa isang sexy magazine? ano na lang magiging reaksyon ng mga tao?!"

The Rock Icon PresidentWhere stories live. Discover now