Dahil bukas na ang alis ko papunta sa new school ko kaylangan ko na mag-paalam sa bestfriend ko na si eric halos childhood friend ko siya,pero may sasabihin din daw siya eh
"Ma alis muna ako magkikita lang kami ni eric" Paalam ko kay Mama dahil baka hanapin ako ni mama kapag nawala ako sa paningin nya eh
"Sige james mag iingat ah maaga umuwi, hinde umaga ah" pabirong tugon ni mommy sa akin at natawa na ako sa sinabi niya kahit kailan talaga si mama eh
"Ma naman alam mo naman na maaga ako aalis bukas eh" sagot ko naman kay mama natawa siya ng bahadya
"Oo nga sinasabihan lang kita..sige umalis kana" sagot ulit sa akin ni mama
"Opo ma bye"sabay halik sa pisngi ni mama at agad din akong lumabas ng bahay
Ako nga pala si james benidick Dela fuente mayaman , gwapo , may pagka matalino mabait na anak kila mama at daddy at isang mabuting kapatid sa nag iisa kong kapatid, in short SIMPLE lang ako
Habang papunta ako sa tagpuan namin napa isip ako kung ano kaya ang sasabihin nya wala naman siyang nababanggit na problema nung huli kami nag kita at ang saya niya pa nga nun eh Haytss
"Ano kaya importanteng sasabihin nya?"bulong ko sa sarili ko dahil sa sobrang pagtataka ko dahil talagang nagtataka ako ih kung hindi naman importante i te-text niya na lang yun ih
Pagkadating ko sa tagpuan namin ay nandoon na siya kaya medyo nahiya ako dahil mukhang kanina pa siya nandito eh HAHAHA
Sya pala si eric dizon kababata ko mayaman,gwapo, napaka bait at lali nag a-alala sa mga bagay bagay at talagang masinop siya sa bagay, Best Friend ever!
"Oh eric ano gusto mo kainin?"pagtatanong ko sa kanya dahil mukhang nagutom na siya kakahintay sa akin
"Wag na james aalis din ako eh, ngayon din yung flight namin papuntang america eh doon na yata kami titira ayan din ang gusto kung sabihin sayo ikaw ano nga pala sasabihin mo?"medyo na lungkot ako at nahalata nya yun kaya pala gusto niya na personal sabihin sa akin
"Wag kana malungkot james ikaw parin ang bestfriend kaya wag kana malungkot magkikita pa tayo" kahit mahirap tang-gapin ay kailanagan dahil kasama niya yung family niya
"Aalis din kasi ako pero hinde ibang bansa dito lang sa pilipinas lilipat kasi ako ng school eh kaya gusto kong mag paalam sayo bukas na kasi ako aalis, eh aalis kadin pala" malungkot kong tugon sa kaniya
"So magkakahiwalay din pala tayo eh kahit hinde ako umalis ok lang yan bestfriend parin naman kita eh" Mahirap kasi sa feeling na hihiwalay na sayo yung kaibigan mo mula pagkabata
"Sige alis kana alam kung mag aayos kapa eh mag iingat ka ahh mamimiss kita"malungkot kong tugon sa kaniya
"Ikaw din ahh wag muna mag bo-boyfriend este mag gi- girlfriend whahahh bye"alam nya na bisex ako kaya ok lang sa kanya pero kahit ganun hinde nag bago yung pagtingin niya sa akin hinde katulad ng tao na madami ang tingin sa LGBT
"Ikaw din ahh bye" promise mamimiss ko sya kahit kailan hinde siya mapapalitan bilang best friend ko, maka uwi na lang
"Ma nandito na po ako!" Sigaw ko pag pasok ko ng bahay at medyo nagulat si mommy sa akin
"Oh! anak ang aga mo bakit hinde kayo nagkita" tanong sa akin ni mama
"Ma aalis din kasi sya at ngayon din yung flight nila kaya saglit lang" sagot ko naman kay mama medyo nalungkot siya dahil malapit din siya kay eric
"Ay sayang hinde manlang ako nakapag paalam" sabi sa akin ni mama
"Oo nga eh,geh ma akyat muna ako magaayos ako ng gamit ko pag alis" pag papaalam ko kay mama dahil hinde pa ako nag aayos ng gamit ko
"Anak mag iinom din pala kayo daw ng papa mo kaya ni kuya marcus mo" pahabol na sabi sa akin ni mama
Sya naman si kuya Marcus Dela Fuente sya lang ang aking kapatid matangkad ,gwapo ,matalino at best kuya ever!
"Sige ma tawagin nyo na lang ako ahh" sabi ko kay mama at tuluyan n ako pumasok sa kwarto ko
Pagkatapos kong mag ayos ay hinde ko namalayan ay nakatulog pala ako,nagising na lang ako sa tawa ni papa at ni kuya
"Ang lakas naman ng tawa ni papa eh"halong inis kasi nagising ako sa tawanan nila kaya bumaba na lang ako
"Oh nandito na pala ang prinsesa ko"sabi ni kuya marcus alam din nila na bi ako kaya ok lang din sa kanila kaya napaka swerte ko sa kanila
"Anong prinsesa mo prensesa ko din yan ehh" biro ni papa at nag tawanan nalang kami siguro hinde man matatawag na "PERFECT" Family pero ganun ang tingin ko sa pamilyang to
"Para kayong mga sira kuya" nahihiya kong sagot sa kanila
"Kapatid wag kana tumuloy kaya" sabi sa akin ni kuya, siya talaga yung ayaw pumayag na tumuloy ako dahil ayaw niya daw mahiwalay sa akin
"Kuya alam mo naman na pangarap ko makapag aral dun" sagot ko naman kay kuya
"Eh ang layo naman kasi ay at maraming lalaki dun baka mapano ka lang" sagot niya naman sa akin
"Sira ka talaga kuya...kuya ikaw at si papa lang ang lalaki sa buhay ko" biglang sumabat si mama
"Eh pano naman ako" natawa na lang kaming lahat
"Shempre mama ikaw lang ang babae sa buhay ko" nag yakapan kaming lahat kaya natatawag kong Perfect Family dahil walang alitan sa amin
"Kafatid mamimiss ka namin eh" sabi sa akin ni kuya
"Ma mimiss o ayaw nyo lang ako masaktan" sagot ko naman sa kaniya
"Ahmm alam mo naman ikaw lang ang bunso namin eh kaya ayaw ka namin masaktan eh" Hayts ang kulit talaga ih
Habang lumalalim ang gabi ay lalu din nalasing si kuya at si papa
"Anak akyat mo na ang kuya marcus mo sabi nya doon daw sya matutulog sa kwarto mo" sabi sa akin ni mama
"Oh sige ma paki ligpit na lang ah love you ma" sagot ko naman sa kaniya
"Sige na" nag simula na ako akayin si kuya pa akyat sa taas
Naiakyat ko naman si kuya marcus at hiniga kona sya sa kama ko at kahit mabigat ay kinaya naman HAHAHAH pero ayaw ni kuya na tinatawag siyang mabigat dahil ang g-gym siya
"James wag kana umalis mahal na mahal kita ma mimiss kita wag kana umalis" sinasabi ni kuya marcus habang nakapikit dala ng pagkalasing nya
"Mahal din kita kuya kayo nila mama pero para sa future ko din to ehh" sagot ko naman sa kaniya
"Mahalaga pa pala yung future mo kaysa sa akin" nagulat na lang ako sa sinabi niya
"Kuya naman eh" maikli kong sagit sa kaniya
"I love you bunso" hinalikan ko na lang siya sa pisnge
"Tulog kana" at nakatulog nadin si kuya marcus sa dala ng pagkalasing at ngayong paalis na ako pero hinde parin sya gising
"Anak hinde moba gigising di kuya mo?" tanong sa ain ni mama
"Eh wag napo tulog pa eh at may tama pa yun" sagot ko naman sa kaniya
"Sabi nya sya daw mag hahatid sayo eh" ang kulit talaga ni kuy ihhh
"Wag napo kaya kona mama sige na mama dadalin ko nalang yung starex van natin"
"Sure kaba anak"
"Opo ma love you po paki sabi narin kay kuya mamimiss ko din sya pati rin kay papa ahh"
"Sige mag iingat ka ahh"
Humalik muna ako kay mama bago ako umalis, kahit gusto ko mag aral doon ay masakit pa din sa damdamin na aalis ka sabay na kasama mo lumaki
------------------------------------------------------
Authors Note
Under Editing po ang story
Thankyou ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

BINABASA MO ANG
All Boys School (M2M LOVE STORY)(COMPLETED)
Teen FictionHighiest Ranked #1 in LOVEWINS Highiest Ranked #2 in LGBTQ Sadyang tinadhana ba kami o pinaglalaruan lang kami ng tadhana Dormmate ko lang talaga sya pero dahil nasa iisang bubong kami ay hinde naman mapigilan at magkahulugan ng loob ALL BOYS SCHOO...