Medyo malungkot ang chapter na toh sana kayanin nyo para sa ekonomiya ng bansa charr😢😞
**
Bumalik nalang ako ng court baka kasi kung ano pa isipin ni joseph na nakita nya kaming dalawa ni ivan para iwas gulo narin"Saan ka galing" tanong agad sa akin ni joseph at halatang pagod sya at agad ko naman inabot yung iced tea na binili ko para sa kanya at si ivan naman ay iniwan ko sa cafeteria dahil hinde pa sya tapos
"Oh inom ka muna" sabay abot ko nang icedtea sa kanya at agad din naman nya ininom toh" galing ako sa cafeteria" maikling tugon ko sa kanya at inabot nya sa akin yung iced tea tumayo sya
"Dyan ka lang ah wag mo ako iiwan" medyo natulala ako sa sinabi nya at agad din naman syang nag tungo sa mga ka team mates at nginitian ako at sinuklian ko din sila ng ngite
Halos tanghali na hinde parin sila kumakain ng lunch siguro pinaghahandaan talaga nila yung legue para manalo sila sana nga manalo sila pero hinde padin bumabalik si ivan sa mga ka-team nya baka may ginagawa------errr bakit koba sya hinahanap tandaan mo hinde mo pa sya pinapatawad kaya wala ka munang paki alam sa kanya
Nagpaaalam ako kay joseph na maglalakad-lakad lang para maaliw naman ako at agad din naman syang pumayag at sinimulan kona mag-lakad
Halos saan na ako napadpad dahil sa sobrang gala ko kaya't naisipan kong pumunta sa garden dahil napaka peacefull at napaka lamig dahil maraming puno at sinabayan pa ng hangin kaya napaka sarap at napaka gaan sa feeling kapag nandoon na parang nakakalimutan mo yung mga problema.Hinde ko namalayan ay nandito na pala ako sa garden at agad din naman ako naglakad papunta sa mga bench and table pero may nakita akong tao mag-isa pero parang kilala ko yun ehh,nilapitan ko nagulat at dahil si ivan lang pala at agad syang napatingin sa akin pero bat nandito sya diba may practice sila ng team mate nya
"Oh,ivan why are you here?"tanong ko sa kanya at agad din naman syang tumingin at parang nagulat sya at ngumite nalang ako sa kanya
"Ah wala lang gusto ko lang mag pahangin" pagpapaliwanag nya sa akin at ngumite lang sya sa akin at parang bakas padin sa mukha nya na bakit ako nandito
"Pero diba may practice kayo?" tanong ko naman sa kanya at ngumite lang sya nang nakakaloko
"Hinde kona kailagan mag practice strong na ihh" sabay pakita ng muscle nya pero meron talaga
"Hangin mo talaga" natatawa kong sabi sa kanya at medyo natawa din sya parang na-miss ko yung ngite nya yung halakhak nya yung mga mata nya halos lahat yata na-miss ko lalo na sya
"Biro lang naman" sabi nya kaya naoa smirk nalang ako sa kanya at medyo tumahimik ng konti at agad din naman sya nag-salita
"James,mahal moba talaga sya?" nabigla ako sa tanong nya yung parang kanina ang saya nya pero ngayon seryoso at malungkot kaya naninibago talaga ako
"Bakit mo na itanong?" tanong ko naman sa kanya at halata padin ang lungkot halos ang bigat ng athmosphere
"Kasi parang mag-kaiba yung ngite mo kapag nakikita mo ako at ngite mo kapag nakikita mo sya" medyo nagulat ako sa mga tanong nya kaya napa yuko nalang ako ganun ba kahalata na mahal ko padin sya at halatang napipilitan lang ako kay joseph
"H-hinde naman siguro" na-uutal kong sabi sa kanya kaya lalo lumungkot yung paligid at alam kong malungkot din sya
"James, pwede pa naman tayo mag-simula ulit yung tayo na talaga" sana nga ganun kadali yun ivan gusto ko din mangyari yun pero pano si joseph na totoong nag ma-mahal sa kin
"Hinde naman ganun kadali yun" malungkot kong tugon sa kanya pero yung mata ni ivan anytime pwede nang pumatak yung mga luha nya
"Magtutulungan naman tayo eh para mapadali" sana nga pwede pagtulungan yun ivan haytss mahal ko padin sya hinde ma wawala yun
"Pero ivan pano si joseph alam mo naman na mahal talaga ako nun masasaktan sya kapag nalaman nya" naluluha kong sabi sa kanya dahil talagang mahirap ibalik ang nakaraan lalo na kung may masasaktan
"Alam ko naman yun,pero gusto ko lang na sundin mo ang puso mo" tama naman sya kaya nga lang masasaktan si joseph kung alam nya lang gusto ko na sya ulit makasama yung katulad ng dati yung masaya pa kami
"Gusto ko rin naman mangyari yung nais mo pero mahirap talaga kung alam mo lang ivan" sana nga pwede nalang maibalik ang nakaraan para wala ng problema sa amin
"Gusto mo rin pala eh bakit hinde na natin simulan" naiiyak na ako dahil sa sobrang lungkot kung naiintindihan nya lang
"Kapag nangyari yun marami ang madudumugan" sabi ko sa kanya isa lang angsulusyon dito dapat lumayo na kami sa isat-isa para wala ng madamay pa pero napaka hirap talaga gawin
"Ivan siguro kailangan muna natin lumayo sa isat-isa para wala ng madamay pa" tumulo ulit ang aking mga luha kasabay ng paglungkot ng aking mukha sana makayanan ko
"Sige kung ayan ang nais mo" ramdam ko na umiiyak na sya ngayon dahil alam ko ang paki ramdam nya medyo tumahimik lalakad na sana ako pero bigla nya akong tinawag
"James pwede bang yakapin kita sa huling pagkakataon" halos umiyak ako dahil sa sinabi nyag HULING PAGKAKATAON alam kong mahirap para sa kanya ang nangyayari ganun din naman ako pero ito ang dapat gawin
lumapit sya sa akin at niyakap nya ako habang nakatalikod ako sa kanya ramdam ko ang sakit ng nararamdaman nya at ramdam ko din ang luha at ang lungkot nya kaya hinde ko maiwasan na umiyak ng todo sa huling pagkakataon ngayon ko nalang msraramdaman ang kanyang haplos
"James tandaan mo hihintayin kita k-kahit kailan" lalo akong umiyak hinde ko matanggap na magkakalayo kaming dalawa pero kailangan tanggapin
Umalis na sya sa pagkakayakap at alam kong umiiyak padin sya hinde ko alam kung wala sya sa buhay ko
"Paalam na james" sa huling pagkakataon ko nalang maririnig ang tinig nya
"Paalam ivan" pagkasabi ko nun at bigla ulit akong umiyak at napatakbo nalang ako dahil ayoko nang makitasya
Nasalubong kosi joshua nang naka ngite pero nung nakita nya akong umiiyak ay napalitan din ito ng lungkot
"Ano nangya-" hinde kona narinig dahil patuloy padin ako sa pagtakbo at hinde ko sya pinansin dahil alam kong magtatanong sya at ayoko nadin pag-usapan si ivan.
**
A/NDiba napaka lungkot mag comment yung naiyak may sasabihin ako sa inyo pero kahit ako ying author habang nag ta-type ako ang bigat sa feeling na yung cast ay nagkahiwalay kasalanan ko toh ehh bakit gusto ko sila ipaghiwalay
Madami pa pong sad scene namangyayari kaya sana kayanin nyo huhuhi
VOTE,COMMENT,SHARE,AND FOLLOW
NEXT CHAPTER:APRIL 14, 2018

BINABASA MO ANG
All Boys School (M2M LOVE STORY)(COMPLETED)
Teen FictionHighiest Ranked #1 in LOVEWINS Highiest Ranked #2 in LGBTQ Sadyang tinadhana ba kami o pinaglalaruan lang kami ng tadhana Dormmate ko lang talaga sya pero dahil nasa iisang bubong kami ay hinde naman mapigilan at magkahulugan ng loob ALL BOYS SCHOO...