Our Little Interaction

8 2 0
                                    

"Papasok ka ba bukas?" Sambit ng aking ina sabay haplos sa aking noo

Unang araw ng pasukan bukas ngunit heto ako nakaratay sa kama at nilalagnat.

"Titingnan ko po bukas baka sakaling bumaba lagnat ko." paos kong sagot

Ako kasi yung tipo ng tao na mas gusto na gumalaw ng gumalaw sa halip na humiga tuwing may lagnat.

"Inumin mo itong gamot at gatas para umayos kaagad ang iyong pakiramdam at ng makatulog ka na"

Pagkatapos ilapag ng aking ina ang gatas ay lumabas na ito. Maya maya pa ay bumangon ako at ininom ko na ang gatas.

Bumalik ako sa pagkakahiga ngunit sa halip na pumikit ay nakipagtitigan ako sa kisame. Inisip ko ang mga pwedeng mangyari kinabukasan hanggang sa makatulog na ako.

Bigla akong napamulat ng feeling ko ay nalaglag ako. Napaupo ako habang habol ko ang aking hininga.  Inilibot ko ang aking paningin ng napagtanto kong nasa kwarto pa rin ako  specifically in my bed. I thought it was true na nalaglag ako sa isang gusali but it's just a dream.

Ilang minuto ang lumipas ay naging normal na ang aking paghinga at ang tibok ng aking puso. Humiga muli ako at tumitig sa kisame

"Thank God I'm alive" I whisper in the air

I place  my hand in my forehead and also in my armpit  to feel whether I'm still hot or not.

"Kainis, mainit pa rin ako" ungot ko

After a while I move my hands to search for my phone while lying down. I put my hand under my pillow but my phone is not there. Tumigil ako sa pagkapkap at inisip kung saan ko nailagay ang cellphone.

"Right! Nakacharge nga pala." wika ko ng mapagtanto kong chinarge ko pala ito kagabi.

At dahil tinatamad pa akong tumayo ay gumapang na lamang ako patungo sa may outlet. Pagkabunot ko ng cellphone ay gumapang ulit ako pataas ng kama.

It's already 9 in the morning which means na hindi ako makakapasok sa school today, depende na lamang kung sisipagin ako para mag half day.

And I choose not to go to school today.

"Huhu pero gusto kong pumasok." ungot ko sabay baling sa kanan

"Ah! Alam ko na" wika ko ng may naisip ako

Binuksan ko ang aking cellphone at in-on ang aking data. Maya-maya lamang ay sunod-sunod na tumunog ito. Nagpop-up ang chat head at doon ko nakita na may 52 messages sa GC ng aming klase.

Nagsimula na akong magdesisyon kung papasok ba o hindi.
"Papasok, hindi, papasok, hindi...papasok, hindi"

Napabuntong hininga ako ng lumabas ang resulta and it's a 'hindi'.

"Ala bahala na, papasok ako and that's final" determinado kong wika sa sarili ko.

Tumayo ako't lumabas sa aking kwarto para kumain at sabihin na din sa aking ina na ako ay papasok.

Nakita kong nasa sala ang aking ina na nanunuod ng palabas sa TV.

"Ma papasok ako mamaya. " saad ko habang sumasandok ng kanin.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ng aking ina habang ang paningin ay nakatutok pa rin sa telebisyon.

"Maayos na po"

Tumango lang ito at pinagpatuloy ang panunuod.

"Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain" untag ulit niya

Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita.

Lumipas ang dalawang oras ay ready na ako punasok. Dalawang oras na ang nakalipas pero ganoon pa rin ang pwesto ng aking ina.

The Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon