So Why Apologize, Right?

0 0 0
                                    

"Bunso sama ka? Basketball?" bungad sa akin ni Kuya Alfred pagkapasok ko ng pintuan. Nakita ko itong nagsusuot ng damit na panglaro.

Pinakiramdaman ko din ang aking katawan bago  talagang magaling na ako, hindi na ako mainit at  hindi na din masakit ang ulo ko.

"Sinong kasama?" sambit ko habang binababa ko ang bag ko sa sofa

"Si kuya tsaka si Aleja, tayo-tayo lang"

I have three brothers Kuya Alfie which is the first born. Kuya Alfred is the second born, next is Kuya Aleja. And that makes me the "Bunso".

"Call! Wait lang Kuya magpapalit lang ako" dali-dali akong pumanhik sa kwarto at mabilis na nagpalit. I'm wearing my usual get up big shirt plus a jersey short na panglalaki. Palabas na ako ng kwarto ng maramdaman kong may kulang sa akin.

"Right! My cap!" Umurong ako papasok ulit ng kwarto

"Ma saan napunta ang mga cap ko!" sigaw ko ng wala sa lagayan ang mga cap ko. Ni-isa walang natira. Hindi kasi ako komportable kapag wala akong cap kapag naglalaro, lalo na't nilagyan ako  ni mama ng bangs na sagabal sa paglalaro

"Tinapon ko na! Kababae mong tao puro ka sombrero! Kung hindi naka sombrero, naka puyod ka! Iladlad mo naman ang ipinamana kong buhok sayo!" mahabang litanya ng aking ina. Tinanong ko lang naman ay kung saan napunta ang mga cap ko, ang haba na kaagad ng sinabi.

Sumilip ako sa aking bintana at tiningnan ang mga nakasampay sa likod bahay namin at nakita kong nakasabit doon ang mga sombrero ko. Iiling-iling akong tumatawa habang nakatingin doon.

"Kala ninyo mauuto ako. No, never." mahina kong sabi sabay hagikhik

"Ma! Lahat po ng tinapon niyo may kapalit " sigaw kong sagot sa aking ina

Iniladlad ko na lang ang aking buhok ng matuwa naman ang aking ina. Bumaba ako sa sala at lumapit sa mga kuya kong nag-iintay.

"Tara na mga Kuys" excited kong wika

Ngayon na lang ulit kami makakalaro ng magkakasama since busy sila sa trabaho at buhay nila.

"Do you want to wear cap?" tanong ni Kuya Alfie sa akin habang nakatingin sa aking ulo.

"Nope, Nasasayangan din ako sa buhok ko hahaha. I'll just tie it later so let's go!" Inakbayan ko pa ito

"You sure?" ginulo naman ni Kuya Aleja ang aking buhok na kaagad ko namang tinapik

"Sure na sure. "

Nagsimula na kaming maglakad patungong court. Malapit lang naman ito kaya nilalakad na namin. Tsaka parang warm-up na din ito para sa amin.

Wala kaming nadatnang tao sa court nang makarating kami. Nagkatinginan pa kaming magkakapatid at sabay-sabay na ngumiti. This means na solo namin ang court ngayon.

"So 2 on 2?" tanong ni  Kuya Aleja

Tumango naman kami. Normally kami ni kuya Alfie ang magka-team but not right now. Si kuya Alfred ang naging ka-team ko.

"What's on the table?" nakangising tanong ni Kuya Alfred. Siniko ko naman ito dahil sa tinanong.

"What can our baby girl can offer hmm?" ngising tanong ni Kuya Alfie.

Cheeze! I know what he's thinking even my two brothers have the same idea and I don't like the way they grin at me.

'Oh no'  nasabi ko na lang sa isip ko.

"No, you can't kuya. That's a foul, father gave it to me." pagdadahilan ko pa.

Tumawa naman sila na lalo pang nakapag-painis sa akin.
"No, I will never bet my baby. Not my baby"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon