Poem #2: Bakit?

31 16 0
                                    

A/N: Kapag nagmahal tayo hindi talaga natin maiiwasan ang magtanong ng BAKIT? BAKIT nga ba siya ang minahal ko? BAKIT nga ba nagpaka-tanga ako sa kaniya? BAKIT nga ba hindi siya mawala sa isip ko? BAKIT nga ba siya ang mahal ko?

______________________________________________________________________________________________

Bakit?

Minsan naisip ko, bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa na imposibleng maging akin.
Bakit ikaw pa na may mahal nang iba.
Bakit ikaw pa na malabong makapansin sa akin.

Sa paglipas nang panahon,
Bakit hindi ko magawang alisin ka sa isipan ko?
Bakit kahit anong pilit ko na limutin ka?
Patuloy ka pa rin nasa isipan ko.

Bakit hanggang ngayon,
Ikaw parin ang laman ng isipan ko?
Bakit hanggang ngayon,
Hindi pa rin kita magawang limutin?

Baliw na nga siguro ako sayo.
Pero bakit ganito?
Alam ko naman na may laman ng iba ang puso mo.
Bakit hanggang ngayon, umaasa pa rin ako?

Umaasa na sana ako naman ang pansinin mo.
Ako naman ang bigyang halaga mo.
Ako naman ang magpapasaya sayo.
At sana ako na lang siya.

Bakit nga ba hindi kita makalimutan?
Bakit nga ba hanggang ngayon,
Ikaw pa rin ang laman ng puso ko?
Bakit ikaw pa na imposibleng maging akin?

________________________________________________________________________________________________________________

A/N: Sinong mga naka-relate dito? Ano masasabi ninyo sa "Poem #2" ko? Any comments guys.

READ. VOTE. COMMENT.

This is for you #KidlatAwards2018Where stories live. Discover now