Poem #7: Mahal Ko, Nasaan Ka Na?

6 2 0
                                    

Mahal Ko, Nasaan Ka Na?

Mahal ko, bakit ganito?
Bakit bigla ka na lang nawala?
Hindi mo na ba ako mahal?
Kasi ako mahal pa rin kita.

Sabi nga nila kapag may dumating, may umaalis.
Pero, bakit tila isang bula kang nawala sa aking piling?
Kapalit-palit ba ako? Baka naman sawa ka na sa akin.
Sawa ka na sa paulit-ulit na pang-aaway ko sa 'yo.

Ginagawa ko lang naman 'yon kasi mahal kita.
Gusto ko lang naman sabihin na: pansinin mo naman ako.
Tao lang din naman ako lumuluha kapag nasasaktan.
Napapagod kapag binabalewala.

Kaya sana bigyan mo naman ako nang halaga.
Halaga na matagal ko nang hindi nararamdaman sa 'yo.
Masakit para sa akin ang magbulag-bulagan sa relasyon na ako na lang ang masaya.
Pero sana naman una pa lang sinabi mong sawa ka na sa akin.

Hindi 'yung magigising na lang ako na wala ka na pala.
Wala ka na sa aking tabi, lumisan ng hindi ko namamalayan.
Kung babalik ka pa ba o hindi?
Habang iniwan mo ang puso kong dinurog mo nang pinong-pino.
________________________________________________________________
A/N: Anong masasabi ninyo?

READ.VOTE.COMMENT.

This is for you #KidlatAwards2018Where stories live. Discover now