Chapter 1: (ang pasaway na mga anak)
Nakanguso ang dalaga habang binubungangaan ng kanyang ina. Kumikibot-kibot pa ang bibig nito dahil sa panggagaya sa boses ng ina. Panay ikot din ng mata at minsan nama'y napapangiwi na dahil sa hapdi ng hampas ng isang piraso ng walis tingting sa kanyang binti.
"Di ba sabi ko wag ka ng gumawa ng gulo sa paaralan nyo? Ano na naman ba itong ginawa mo? Sinipa mo daw ang anak ng principal?" Sabay hampas ng isang piraso ng walis tingting na hawak sa binti ng dalaga na ikinangiwi nito sa sakit.
"Mama naman. Kasalanan ko ba kasing nagmana ako sa inyo ni papa?" Sagot naman niya.
"Hindi ako kasing pasaway mo." Sagot ng ina at muling hinampas ng walis tingting ang anak.
"Kung hindi pa, bakit lahat kami pasaway?" Sagot na naman niya. "Alangan namang sa kapitbahay kami nagmana di ba? Awww! Sakeeet!!!" Hinampas kasing muli ang kanyang binti nang mas malakas pa. Muntik na tuloy siyang mapaupo.
Pasaway kasi silang lahat na magkakapatid. Kaya palaging sumasakit ang ulo ng kanilang ina, lalo pa't kinukunsenti sila palage ng ama. Anim silang magkakapatid. Tatlong lalake, dalawang babaeng kambal at siya.
"At ito pa. Ano yung narinig kong nakipaghalikan ka daw sa hallway." Tanong muli ng ina habang pinandidilatan siya ng mata.
"Ako lang ang humalik ma." Dahil don ay muli na naman siyang nahampas. "Para sinabi ko lang ang totoo, bakit siya nagagalit? Gusto ba niya magsinungaling ako?" Nakanguso niyang bulong sa sarili habang kinakamot ang bandang nangati sa hapdi.
Saka di naman niya idinikit ang kanyang labi dahil kunwari lang naman yon.
"Proud na proud ka pang langya ka." Galit na sagot ng ina na ngayon ay umuusok na ang ilong at lalong namula ang mukha.
"Ginawa ko lang yun para tigilan na ako ng mga nanggugulo sa akin. At nagkataong siya ang pinakamalapit sa akin." Parang batang sagot naman ng dalaga. "Alam niyo namang maraming naghahabol sa anak niyong to." Nakasimangot niyang dagdag pero pabulong lang.
"At dahil don binugbog siya ng mga lalake sa school niyo."
"Kaya nga binugbog ko narin sila." Hindi na siya hinampas, sinapok na sa ulo.
"Sa dinami-rami ng dapat mong bugbugin ang anak pa ng kongresman?" Sigaw ng ina.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Pasaway (Sample Only)
Teen FictionSi Hyerin Aliamieh Olivar. Isang dalagang laki sa probinsya at galing sa pampublikong paaralan. Pasaway at lapitin ng gulo. Dahil sa ugali palaging nalilipat ng school hanggang sa maisipan ng mga magulang na ipadala siya sa syudad. Baka sakaling tum...